Maja Salvador at Matteo Guidicelli, ilang beses nang nagde-date

ILANG BESES NA nga bang nahuling magka-date sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli pero walang pag-amin sa tunay nilang relasyon. Tikom ang kanilang bibig kapag napag-uusapan ang real score sa kanilang dalawa. Oo nga’t inaamin nilang they are very close to each other as friends kahit nakikita silang magka-holding hands in public places. Friends lang daw ang pagiging malapit nila sa isa’t isa pero marami ang nagpapatotoo na may something sa kanilang relationship. Sa totoo lang, ipinakilala na ng Fil-Italian actor/racer si Maja sa Mommy nito.

Ilang beses na naming kinulit-kulit si Maja tungkol sa super closeness nila ni Matteo pero ang tanging nasabi ng dalaga, “Bakit hindi na lang si Matteo ang tanungin ninyo?”

Oo nga naman, kay MG dapat manggaling ang confirmation kung mag-on na nga sila or nasa process pa lang ng ligawan.

Hangga’t hindi natatapos ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin, hindi magsasalita sina Maja at Matteo sa real score nilang dalawa. Patok kasi sa publiko ang tambalan nina Maja at Coco Martin kaya pinagbibigyan nila ang kani-lang mga fans. Obvious namang pinoprotektahan ng dalaga ang team-up nila ng actor. Pawang papuri naman ang ibinabato ng magaling na aktor sa kanyang leading lady. Si Maja raw ang female version niya sa pagiging humble at down-to earth.

Kung wala nga lang girlfriend si Coco at niligawan niya si Maja, sigurado kaming magiging sila. Matagal nang crush ng dalaga ang morenong aktor pero deadma lang ito sa kanya. Hanggang sa harap ng kamera lang ang romansa ng dalawa. May kilig kasi sa mga fans ang mga sweet moment nila sa MLKL. Maging sa mga mall shows walang kiyemeng nagpapahalik sa lips si Maja kay Coco para sa ikasisiya ng kanilang mga tagahanga.

 

NAGING MAGKA-RELASYON PALA sina Enrique Gil at ang baguhang si Coleen Garcia ng Good Vibes, pero si Sam Concepcion ang ka-loveteam ng dalaga sa nasabing soap. Nilinaw ni EG na walang tensiyon sa pagitan nila ni Sam dahil tapos na ‘yung sa kanila ni Coleen and they remain friends after they broke-up.

Happy ngayon si Enrique sa takbo ng kanyang career. Sunud-sunod ang TV project sa Kapamilya network. Focus muna raw siya sa trabaho dahil gusto niyang maging isang mahusay na aktor. Marami pa raw siyang dapat matutuhan pagdating sa acting. Pangarap niyang mai-direk ng mga batikang direktor tulad nina Joel Lamangan, Chito Roño, Cathy Garcia-Molina, Joyce Bernal at Brillante Mendoza.

Hindi raw problema kay Enrique kung sakaling magkaroon siya ng daring scene sa pelikula. “Depende siguro sa story, kung kailangan talagang gawin ‘yung scene. Nasa direktor naman po ‘yun kung papaano niya ie-execute ang love scene or whatever scene na kailangan. Ang sarap ng feeling kung iba’t ibang role ang nagagampanan mo. Palaging may challenge sa bawat character na pino-portray mo,” say ng binata.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Maja Salvador at Matteo Guidicelli, ilang beses nang nagde-date

  1. GANYAN TALAGA SA SHOWBIZ KUNWARI FRIENDS LNG PERO NAGKAKANTUTAN NA. MASYADONG MGA SINUNGALING AT IMORAL ANG MGA ARTISTA NGAYON. KUNG HINDI NAKIKIPAG-LIVE IN, KABET, NAGPA-ABORT OR DI KAYA EH NABUNTIS NG WALA SA ORAS. GANYAN KABABOY ANG MGA TAO SA SHOWBIZ! BWHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.