Maja Salvador, aral kay Angelica Panganiban!

REAL LIFE couple Maja Salvador and Matteo Guidicelli are definitely in love, pero hindi ito nangangahulugan na may plano na silang magpakasal. Sinabi ni Maja sa The Buzz, “Marami pa siyang kailangang patunayan. Ako rin marami pang kailangang patunayan. Ang tagal pa, eh. Seven to 10 years pa. Kailangan ko pang kumayod para sa pamilya ko.” But Maja hopes na si Matteo na ang lalaking kanyang makakasama habang buhay.

Katulad ng ibang tao, may mga pinagdaraanan din silang pagsubok sa kanilang relasyon. Kung minsan pa nga, hindi maiiwasan na lumaki ang isyu because they are both in showbiz. Whether they like it or not, nakatutok sa kanilang bawat kilos at pananalita ang mga kamera at mapanuring mata ng publiko.

“Sa bawat relasyon hindi naman lahat perfect, meron talagang pagdaraanang hindi maganda. Ang natutunan ko nga kay Angelica (Panganiban) sinabi niya sa akin, ‘Kung talagang mahal mo si kuya (Matteo), go! Huwag kang papatalo, kasi kung papatalo ka, eh ‘di nanalo sila, pero kung mas nangi-ngibabaw iyong pagmamahal mo kay kuya, go lang! Huwag kang papatalo kung nagmamahalan kayo dapat kayo lang ang magkakampi.’”

Maja and Matteo are starring together in their first movie My Cactus Heart under Star Cinema. How was it working with her boyfriend? Mas kumpor-table ba siya since Matteo plays her leading man? “Noong una, akala ko madali kasi siyempre nandoon iyong kilig-kilig lang. Pero kapag nakakaeksena ko na siya, mahirap kasi hindi naman iyong characters naming si Maja at Matteo, eh. Iba iyong ginagampanan namin. Minsan nako-conscious ako, naiilang ako.” Iyong character kasi ni Maja sa movie ay hindi in love, pero ang hirap daw magpanggap na hindi in love.

Maja is also busy with her new afternoon series Lumayo Ka Man Sa Akin opposite Jason Abalos and Patrick Garcia. Maja doesn’t mind baring some skin in her latest series. Pero kahit medyo da-ring ang kanyang role, hindi raw nagseselos si Matteo sa kanyang mga leading men. “Kampante naman si kuya sa pagmamahal ko sa kanya. Kulang pa ba? Todo-todo na kasi.”

Dagdag pa niya tungkol kay Matteo. “In fairness sa kanya, napaka-supportive niya sa lahat ng ginagawa ko. Hindi naman daring na todo-todo, s’yempre tungkol sa pag-ibig.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Maja Salvador, aral kay Angelica Panganiban!

  1. ISASAMA MO PA AKO SA BUNDOK EH TERITORYO MO YUN, DITO NA LANG AKO BESIDES KAKASUKA ANG FEZ MO EH BAKO-BAKO NA PURO NANA……..HAHAHAHAHAHA……..YAK!!!!!!!!!

  2. feelingera naman tong maja na to! lam ko may tinatakbuhang tao to eh regarding sa pagbebenta ng mga cellhpones!!!!!! bwahahahaha! feeling ak teh! iiwan ka din ni matteo! hahahaha!

  3. obvious na may attitude problem na itong ambisyosang nagmamalaking maja na toh! nung bago pa lang sya like ko sya pero ngayon, kung magsalita sa mga interviews nya, may ere at akala mo may napatunayan na eh wala pa ngang box office hits o acting awards! sobrang kapal ng mukha! napanood ko sa HYY, si pokwang lang ang kinakausap nya sa isang segment eh kasama ni pokwang ung isa pang ambisyosang bianca, halatang natetense ung bianca tapos itong feeling actress kuno na ito, kung makapagsalita sa programa na yun, may ere at may pagkasarcastic, ang yabang ng starlet na toh! KAPAL MO AMBISYOSANG MAJA BLANCA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.