Maja Salvador and Carlo Aquino, back together?

KUNG SA BUWAN ng Mayo, 2009 ang kasal nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, kumpirmadong hindi dadalo ang manager ng aktres na si Tito Alfie Lorenzo dahil nakatakda siyang mangibang-bansa.

Ipinakita sa amin ni tito Alfie ang itinerary niya na sa May 5 na ang alis niya ng Pilipinas patungong ibang bansa at magtatagal siya nang kulang isang buwan.

Ayon sa manager ni Juday, “E, hindi ko nga alam kung imbitado ako, eh. Wala naman silang sinasabi pa. E, nauna na akong i-book, so anong gagawin ko? Bahala silang magpakasal, wala akong alam tungkol sa kasal nila.” May himig ng pagtatampo.

Say nga namin kay Tito Alfie na huwag na siyang magtampo, dahil kung mismong ina ng aktres na si Mommy Carol, wala ring alam sa detalye ng kasal ng anak, sabi nga sa amin, “baka ipapasundo na lang ako sa bridal car sa mismong araw ng kasal nila.”

Bale ba, nakatakda palang ipa-renovate nina Juday at Ryan ang bahay ng kani-kanilang magulang kasabay ng pagpapa-ayos naman ng nabili rin nilang bahay na tutuluyan nila after their wedding.

At kung tama ang dinig namin, may budget si Budaday na P2M sa renovation ng bahay ng ina sa North Susana Village, Quezon City. Kaya siguro hindi muna nila inaasikaso ang date ng kasal dahil nga inuuna ang pagpapaayos ng tatlong bahay.

Samantala, kumpirmadong walang dadalong fans nina Ryan at Juday sa kasal nila, dahil pawang miyembro lang ng pamilya ang imbitado at ang fans ay imi-meet ng mag-asawa sa ibang araw pagkatapos ng kasal.

SA GINANAP NA mall show ng ilang Star Magic talents na ginanap sa Market Market nu’ng Biyernes nang gabi, si Maja Salvador ang may pinakamaraming hiyawan at palakpakan habang sumasayaw siya kasama ang G Force dancers.

Bigla tuloy naming naalala ang dancer na ex-boyfriend ni Maja na si Iglesias na parati palang ka-partner ng aktres kaya’t kinunan namin sila habang bigay na bigay sumayaw.

Halatang medyo naalangan nga ang G-Force dancer habang kinukunan namin sila ng litrato dahil alam niyang isyu na naman sila ni Maja gayu’ng break na sila.

Sabagay, hindi naman inamin ng aktres na naging boyfriend niya ang dancer kundi kaibigan lang daw. Na ganito rin ang say niya noon kay Carlo Aquino na bestfriend lan. Hanggang sa naghiwalay na sila, hindi pa rin umamin si Maja.

Good thing na nagkabalikan na sina Carlo at Maja, iba na ang palusot ng aktres. Nag-renew daw sila ng friendship nila, bagong term ‘yun, ah?

Ang tanong, alam kaya ng manager ni Maja na si katotong Chit Ramos na nagkabalikan ang dalawa?

MASUWERTE ANG MGA nakapanood sa concert ng Pop Icons na sina Piolo Pascual, Christian Bautista, Mark Bautista, Sam Milby at Erik Santos sa Araneta Coliseum, Cebu, Bacolod at Davao dahil hindi na pala mauulit ang pagsasama-sama ng grupo.
Aware kasi ang grupo na malaking isyu ang pagsasama nilang lima bilang Pop Icons, dahil nga nakaisip ng malisya ang ibang tao sa kanila na kumakalat ngayon sa text messages na ‘Pop Icons Divas’ daw sila.

Dedma naman ang lima dahil kilala raw nila ang mga sarili nila. Pero sa payo na rin ng mga taong malalapit sa kanila, huwag na silang magsama-sama dahil sikat na naman sila kapag nagsolo-solo sila.

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.