Maintenance ng Supermarket, Kinatay

TODAS ANG isang maintenance ng Puregold makaraang habulin ito at nang maabutan ay inatado ng saksak ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Alpeo Mercado, nasa hustong gulang, stay-in sa Puregold Jr., sa Santiago St., Malinta ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8:35 ng gabi, kasamang naglalakad ng biktima ang ilang kaibigan sa Santiago St., nang habulin ng mga suspek sa hindi pa batid na kadahilanan.

Minalas na inabutan ang biktima at pinagsasaksak ng mga suspek bago nagsitakas habang dinala naman ang una sa VGH.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang makilala ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.