Maingay sa Tagayan; Lalaki, Kulong sa Patalim

KULONG ANG isang lalaki dahil maingay habang tumatagay na naging dahilan upang tumawag ng mga barangay ang mga kapit-bahay at nakuhanan ng patalim ang una sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Deadly Weapon at paglabag sa Omnibus Election Code si Jose Chavez, 48 ng Afugan St., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nag-iingay ang suspek habang nakikipag-inuman sa nasabing lugar na ikinabuwisit ng mga kapitbahay at tumawag ng mga barangay tanod.

Nang respondehan at kapkapan ang suspek ay nakuhanan ng patalim na naging dahilan upang bitbitin sa presinto at sampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.