Maingay na Japanese, Bugbog-Sarado

NAGPAPAGALING MULA sa pasa at bukol ang isang Japanese makaraang mapagtripang bugbugin ng walong lalaki sa loob ng isang bar sa Baguio City.

Kinilala ang biktima na si Lazo Tamano, 27-anyos, naka-billet sa Veniz Hotel.

Arestado naman ang isa sa umatake kay Tamano na si Jeffrey Milabas, 23-anyos, college student at nakatira sa Hamada Subd., Baguio City.

Sa blotter ng Baguio PNP, nag-iinuman ang biktima kasama niya ang kanyang kaibigan na si Nauhito Ishima nang bigla silang pagbubugbugin ng walong kalalakihan nang walang dahilan.

Napag-alamang naka-takbo sa labas ng bar ang kasama ng biktima na si Ishima habang naiwan sa loob ng bar ang biktima.

Agad namang rumesponde ang mga pulis na humantong sa pagkakahuli kay Milabas habang nakatakas ang pitong kasama nito.

Sinasabing nagkainitan ang grupo ng biktima at ng suspek dahil sa maingay ang Japanese at tila pinagtatawanan ang grupo ni Milabas.   (REA SARMIENTO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.