Maimpluwensiyang tao ang binabangga: kontrobersiyal TV host, pinangangambahang may kalalagyan!

PINANGANGAMBAHANG ISA sa mga araw na ito—God forbid—ay may kalalagyan ang isang male TV host. By that, we mean, it’s a choice among the following: a.) dumpsite; b.) morgue; c.) graveyard.

Isang maimpluwensiyang tao umano kasi ang binabangga niya ngayon, reportedly a scion of a high-profile politician na napapabalitang nobyo ngayon ng kanyang ex-girlfriend.

Bagama’t this is just a possible scenario, wala sa imahe ng angkan ng taong ‘yon ang tumumba o ipag-utos ang pagtumba sa host. But with the way the male host has been (mis)behaving these days, siya na mismo ang nagdadala sa kanyang sariling kapahamakan.

As of presstime, wala ngayon sa bansa ang controversial TV personality as he flew somewhere with his baggage but leaving his garbage behind. Hindi kaya ang kanyang biglaang pagpuslit last year was because he, too, feared for his dear life?

(By Ronnie Carrasco)

Previous articleNakapag-taping na good for 3 weeks: Kontrobersiyal young actress, pinagpapahinga na muna!
Next articleMMFF Awards night, kontrobersyal na, nakatutuwa pa

No posts to display