Maid natagpuang patay sa inidoro

INAALAM NA NG mga pulis ang ikinamatay ng isang maid habang nakaupo sa inidoro sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Patay na nang makita si Myrna Castro, 54, stay-in maid sa Pla-Pla St., Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng umaga, gagamit ng banyo ang anak ng amo ng biktima na si Gene subalit nakakandado ito.

Kinatok ni Gene ang pinto subalit walang sumasagot na naging dahilan upang puwersahan na itong buksan hanggang sa makita ang biktima na wala nang buhay habang nakaupo sa toilet bowl.

Wala naman nakita ang mga pulis na sugat sa katawan ang biktima kung saan inaalam na ang ikinamatay nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.