Mahusay na Dramatic Actress, Bitbit sa Nilipatan ang Pagkaluka-luka!

BLIND ITEM: KAHIT may ilang buwan na buhat nang lumayas ang isang mahusay na dramatic actress sa kanyang sinilangang TV network, bida pa rin siya ng mga kuwentuhan ng kanyang mga nakatrabaho noon.

Hindi raw lingid sa mga ito ang pagluka-lukahan sa propesyon ng aktres, na kasama niyang binitbit sa nilipatang network. Kabisado na raw kasi nila ang work attitude ng aktres, na minsa’y naging sanhi ng pagtaas ng blood pressure ng isa ring magaling na co-star niya noon sa isang soap opera.

‘Eto ang kuwento. Matagal pa’y ipinagpaalam na ng kanyang female co-star sa kabilang production staff ang kanyang Hong Kong vacation, kasama ang anak niya. Aware din daw ang ating bida na hanggang ganitong araw lang maaaring mag-tape ang kanyang kaeksena, saka na lang kukunan ang iba pa nilang eksena pagbalik niya mula Hong Kong.

Last taping day ‘yon ng kanilang teleserye, pareho naman silang sumipot. Marami-rami rin daw ang sequence na kanilang pagsasamahan, pero dahil nakatakda ngang tumulak patungong Hong Kong ang female co-star ng ating bida kinabukasan, umaasa siyang maaga silang magpa-pack-up.

Lumipas na ang alas-dose ng hatinggabi nang may mga eksena pang kukunan sa kanilang dalawa. Aligaga ang staff, nilibot nila ang buong set, pero nawawala ang mahusay na dramatic actress. Nu’n lang nila natuklasan na umuwi na pala ito kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Ang dahilan: hanggang 12:00 midnight lang siya maaaring magtrabaho.

Du’n na raw tumaas ang BP ng nakakaeksena ng bida, hindi raw puwedeng mangyari ‘yon dahil kung hindi raw makukunan ang eksenang ‘yon, matutuloy nga kinabukasan ang kanyang Hong Kong trip, pero kailangan niyang umuwi agad for the next taping schedule.

Pinaghalong sama ng loob, galit at panlulumo ang lumukob sa female co-star, na ikina-shoot up ng kanyang dugo: 150/100. Nagngingitngit man din daw ang buong staff, partikular na ang naloka nitong direktor, ay ginawan na lang ng paraan ang dapat sana’y eksenang magkasama sila.

Gumamit daw ng stand-in sa aktuwal na eksena, sinakluban ng tela sa mukha na kunwari’y ‘yun ang magaling na aktres, habang umaarte na ang felame co-star sa kanilang confrontation scene.

Sino ang napakahusay at multi-awarded female co-star ng ating bida? She bears a compound name, masarap itong panghimagas (dessert) dahil fruity ang kanyang dating. Sino naman ang ating bida? Napakakontrobersyal niya ngayon over a Twitter war with a younger actress mula sa kanyang pinaggalingang TV station.

WHOEVER HATCHED THE idea of combining the comic genius of Joey de Leon and the caricature-ish image of Mr. Fu via TV5’s Wow, Meganon?! is one of serendipity.

Alam n’yo ba na kung may time din lang ay nakatutok si Tito Joey sa Tweetbiz on QTV 11, kung saan regular host si Mr. Fu? Madalas ding gawing expression ni Tito Joey ang “Megano’n?!” line ni Mr. Fu sa Eat… Bulaga!.

Of course, TV5’s new program na mapapanood Lunes hanggang Biyernes 9:30 is Tito Joey’s Wow Mali reborn, kung saan ilang taon na rin ang binilang sa nasabing istasyon. To further beef up the viewers’ interest ay isinahog na nga si Fu, who’s a self-confessed JDL fan, make it a huge fan as huge as Tito Joey’s revered name.

With their partnership, surely ,Fu has a lot to learn from Tito Joey, na siyempre’y tito-tito ng lahat in his Startalk TX family. On record, JDL has mentored a lot of comedians na kinakitaan ng knack for the art.

And if I may speak for Tito Joey, what upsets him ay ‘yung ibang mga komedyante who lack of virtue of humility, those caught in the shallow waters of success.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

23 thoughts on “Mahusay na Dramatic Actress, Bitbit sa Nilipatan ang Pagkaluka-luka!

  1. bipolar dw si claudine eh.lukaluka talaga..kaya pla tinext ni gretchen si raymart nang bonggang bongga na isipin niya a million times if pakakasalan ba niya si sister claudine.kasi nga lukaluka.

  2. pwede magtanong sino sino ang nasa poll sa front ng pinoy parazzi..alam ko a. bea c. kim..sino ang b at d? thanks poh..

  3. people of the philippines and around the world pls. watch oplan zero tambay hosted by hard hitting broadcaster raffy tulfo panoorin nyo po sana para sa mga tambay na walang trabaho at binibigyan ng pagasa para magkatrabaho magandang programa po ito suportahan natin once again pls watch oplan zero tambay tv5 10 30 start of program every sunday pls watch it tnx.

  4. nasa ABS pa si claudine ang dami nang kwento tungkol sa pagiging unprofessional at primadonna niya! no wonder ang dami talagang kwento about it! ang dami rin niyang inaaway na artista dahil sa sobrang pagiging INSECURE! nung kalilipat lang ni Angel Locsin sa ABS nung nalaman niyang makakasama niya sa dressing room si Angel biglang nagreklamo daw sa staff at pinalipat ng dressing room si Angel kasama pati yung make-up artist niya ng dahil lang hindi niya FEEL kasama! maldita talaga itong Claudine na yan!

  5. hindi ba’t nakikiusap din noon c susan roces na patayin na lang ang role nya sa IISA PA LAMANG dahil hindi nya daw ma-take ang pagiging unprofessional ni claudine???!!!!syang talaga ang optimum star!

  6. i remember dat teleserye.. un ung halatang di nub un voice nya. kaya nagtataka ako bakit ganon ginawa ni claudine. naging cheap ang dating nun ending ng teleserye dahil sa knya. nakakhiya cya. ndi manlang inicp ang kalalbasan ng show. poor her.. sana wla n cyang makuhang project dahil sa ugali nya.. my mga tao tlga na kaht nag turn into chistian kun panget tlga ugali ndi na mgbbgo yan. iba ang thinking ng 22ong christian sa nagppanggap lang!

  7. tama si claudine ngayan..sa last nyang teleserye noon sa abs nila ni angelica, bembol roco, cherry pie, at diether,,,nakaktawa nalang tuloy ang ending nun..bakit kumuha ng kadouble..kala ko nga dahil ayaw ni claudita nayan na sipa sipain..yun pala naglayas papuntang hongkong..but after that wala na syang project..buti nga sa kanya..feeling kasi..eh ang taba taba naman,,,ewan

    • kaya siguro pinakawalan na rin ng dos ng walang seremonyas na habulan dahil balyena na nga at losyang eh nagawa pang mag primadonna’t magmaldita. naka helmet ata’t feeling laos-proof. ayan eh di tuluyan ng nalugmok sa kalaosan. takot ba syete sa kanya at ayaw makialam sa isyu?

      • kya di na sya pwedeng umastang reyna sa 7 kc alang magta2kip sa knya don noh?!

        un lng maganda sa 2(star magic) protektado ang mga alaga sa 7(gmaac) ala…kc c rhian lng iniintindi ni ida at pa2nira ng iabng star don….lpit ng matikman ni glaiza ang pangil ni ida at rhian…nata2lo na nya kc c rhian eh…pa2yag ba nmn c tita ida…malaking hindi…lol

        medyo ot oa ko noh?! sorry!!!

  8. hindi na blind item yan. claudine na claudine, sa title pa lang ng article, kahit di pa basahin ang clue. hmm… sino kaya ang kawawang female co-star?

Leave a Reply

Your email address will not be published.