Mahusay na aktres, nagpapa-rehab sa ibang bansa?! – Archie de Calma

BLIND ITEM: VERY unusual ang pananahimik ng isang mahusay na aktres at kapansin-pansing nawawala siya sa sirkulasyon. Sa umpukan ng ilang showbiz insiders, napag-alaman naming nasa ibang bansa raw ito, nagtatago roon at nagpapa-rehab.

Lulong diumano sa droga (shabu) ang aktres na bago pa kumalat ang mga milagrong pinaggagawa niya sa huling teleseryeng tinampukan niya (nagpapahintay sa set, hindi magandang trato sa co-workers, etc.), pinayuhan na siya ng malalapit sa kanya na mawala muna sa limelight at ayusin ang nawindang na buhay.

Hindi kami makapaniwala sa chikang ito dahil through the years, kilalang professional ang aktres. Hindi ito kailanman naging sakit ng ulo ng mga katrabaho. Kung kailan naman siya tumanda at kung kailan nakakapag-project ng image na siya’y at peace with herself, at saka namin natanggap ang ganitong chika.

Hitsura ng drama ni Whitney Houston! Sa ibang bansa raw nagpapa-rehab ang aktres, na hindi nagawa ni Nora Aunor na nahulihan noon ng ilang gramo ng shabu sa isang airport sa Amerika.

Ang masamang impluwensiya raw sa aktres ay isang kilalang fashion designer na mula nang maka-close ng una, nawindang na ito sa paggamit ng shabu.

WALANG MALINAW NA reaction si Gabby Concepcion sa pagkaka-rank ng number 2 sa nakaraang Metro Manila Film Festival ng I Love You Goodbye batay sa kabuuang grosses nito. Wagi nga sa takilya ang pagbabalik-pelikula ni Gabby samantalang hindi naman daw ganito ang puwedeng sabihin sa kinita ng Mano Po 6, tampok ang ex-wife niyang si Sharon Cuneta na halos pumuwesto na sa panghuli.

Kahit naman ganoon, masasabing kumita pa rin daw ang filmfest entry starring Shawie. Ang nakagugulat nga, ang comeback ni Gabby kasama sina Angelica Panganiban, Derek Ramsay at Kim Chiu ay mainit na tinanggap ng publiko, nangangahulugan lang na may atraksiyon pa rin sa takilya ang dating mister ni Sharon.

Suffice to say, para mapabongga pa nang husto ni Shawie ang current showbiz status, it’s about time na makitambal siya sa dating mister.

Pero, may sariling career plan si Gabby, kahit nga gusto rin niyang makatambal uli si Sharon, at sana raw, filmfest movie rin. Dapat na ito ang planuhin kung nagbabalak uli si Sharon na lumahok uli sa susunod na MMFF. ‘Yan ay kung uubra rin talaga ito sa schedule ni Gabby at sa desisyon ng kampo nito.

Katatapos pa lang ng Dahil May Isang Ikaw, hataw na naman si Gabo sa Kung Tayo’y Magkakalayo, this time, reuniting him with Kris Aquino. Sa loob lamang ng dalawang taon, na-establish muli ni Gabby ang matibay niyang showbiz status.

Nagkaroon siya ng dalawang successful teleseryes at naririto na ang pangatlo, idagdag pa ang bonggang pagbabalik niya sa pelikula.

Walang dudang ang lahat ay naplantsa at naayos sa pamamagitan ng mahusay na pamamalakad ng ABS-CBN at Star Magic na siyang finally ay umako sa pagma-manage sa aktor.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

7 thoughts on “Mahusay na aktres, nagpapa-rehab sa ibang bansa?! – Archie de Calma

    • Haaay ang enviromental queen–reyna ng shabu pala–kaya pala nagwala siya kay Miss LT dahil may withdrawal symptoms.

Leave a Reply

Your email address will not be published.