Mahusay na aktres, galit sa pagpapaligo ng kalukadidang ng mister sa kanyang 6-year old baby boy!

ISA PALA sa ikinagagalit ng mahusay na actress sa non-showbiz tatay ng kanyang anak ay nang malaman niya mismo sa anak, na ito palang current kulukadidang ng ex-husband niya, pinaliguan ang kanyang baby boy.
Wala naman daw problema kung pinaliguan ng kulukadidang ang anak nilang 6 years old, “Pero sino naman ang hindi maha-high blood. Isinabay ng babaeng ‘yun ang bata sa paliligo niya.
“Nakahubo siya at nakikita nu’ng bata ang buo niyang katawan. Eh, ‘yun ngang nanay, hindi naliligo kasabay ng anak. ‘Yung kulukadidang, nakabihadhad ang buong katawan sa mga inosenteng mata ng bata.
“Kung walang malisya ‘yon sa kulukadidang, ba’t kailangang niyang paliguan ang bata habang bold siya? Anong gusto niyang patunayan? Na someday ay magiging stepmom siya nu’ng bata kaya dapat masanay na ang bagets na makikita ang suso at keps niya?” sey ng aming source.
Hanggang ngayon pala ay iritang-irita ang mahusay na aktres sa kulukadidang ng ex-dyowa niya, dahil ‘pag hinihiram ng tatay ang kanyang anak ay nag-iisip na naman siya kung anong pagpapalapad ng papel ng kulukadidang sa anak niya.
Teka, si kulukadidang at ang ex-dyowa pa ba?
Eh, balita rin namin, sume-segue pa sa ibang mhin ang kulukadidang. Naku, Neng, careful-careful ka ha? Pangit naman ‘yung kontrobersiyal ka, hindi dahil sikat ka, kungdi dahil sa mga katsipang isyu na pinapasukan mo.
(By Ogie Diaz)

 

 

 

loading...

11 thoughts on “Mahusay na aktres, galit sa pagpapaligo ng kalukadidang ng mister sa kanyang 6-year old baby boy!

  1. Ogie Diaz, late ka na naman sa BI mo.
    Ang tagal na nito. Si Iwa mismo ang nagsabi na sabay silang naliligo ni Thirdee. Ogie, try to do your own research this time.

Leave a Reply

Your email address will not be published.