Mahusay na aktres, binubugbog ng asawa?!

TINAPOS NA KAHAPON ni Kris Aquino ang mga natitira niyang eksena para sa Kung Tayo’y Magkakalayo sa ABS-CBN. At ngayong araw, all set na sila ng kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James para sa Disney Cruise nila na may stop-over sa Bahamas for three weeks.

Hindi pa malinaw kung sa pagbabalik sa bansa ng mag-iina eh, sasalang na si Kris sa pangtanghaling game show na kanyang gagawin sa nasabing istasyon.

Nang mamaalam naman si Kris sa kanyang mga programang SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz, aminado naman ang Queen of All Media na may mga mahahalagang bagay rin lang sa personal niyang buhay ang kailangan niyang ituwid.

Nang hindi na dumating sa oath-taking ng kanyang kapatid na si Presidente Noynoy ang kabiyak ng kanyang pusong si James Yap, nahinuha na ng mga taong end of the road na nga para sa mag-asawa ang nabanggit din ni Kris sa kanyang pamamaalam na mga legal na bagay na ang kanyang aasikasuhin in the days to come.

SA MAGKASAMA SA ikatlong episode (Mata) ng horror film na Cinco ng Star Cinema Films na sina Maja Salvador at Rayver Cruz, mula sa direksyon ni Ato Bautista, ang tanong sa dalawang nagsama na rin at nakaranas na ng ilang horror flicks eh, kung bakit hindi sila nagka-develop-an.

Agree naman ang dalawa sa pagsasabing kahit sila man daw eh, naitanong na nila sa isa’t isa ang nasabing bagay.

“Dahil na rin siguro sa sobra kaming naging close. Na halos araw-araw kaming nagkakaalaman sa mga nagaganap sa mga buhay namin,” say ni Maja.

Eh, si Rayver naman, alam nating naidikit ang pangalan sa iba’t ibang leading ladies na rin. Hindi pa masagot ni Rayver ang pinakahuling inili-link sa kanya na nakitang kasama niyang nanood ng Eclipse sa Eastwood recently na si Cristine Reyes. Bawal pa itong i-expound.

Imbitahan kaya ni Rayver si Cristine?

Ah, parang hindi puwede, mawawalan ng ka-date si Maja!

MUKHANG KAHIT NA patuloy na sinasabi ni Jennylyn Mercado na nasa ligawan stage pa sila ng inili-link sa kanyang si Dennis Trillo, eh para namang ang laki na ng impluwensiya ng binatang ama sa dalagang ina.

May communication pa kasi si Jen sa kapatid ng ama ng kanyang anak na si AJ, na si Patrick Garcia. Kaya nang mag-birthday ang anak ni Cheska na si Kendra, sumang-ayon naman si Jen na dumalo rito pero pinag-isipan pa rin daw niyang mabuti kung oras na para dumalo na sila rito ng kanyang bagets. At sa naging desisyon niya, si Dennis pala ang nagsabi rin sa kanya na naiintindihan nito ang kalagayan at nararamdaman ni Patrick dahil dinaanan niya rin ang nasabing sitwasyon.

Kaya kahit na ilang oras lang nagkaroon ng bonding time ang mag-ama, masasabi na ring all’s well that ends well sa pagitan nina Jen at Patrick.

BLIND ITEM: MADADALA ka naman sa lamlam ng mga mata ng aktres na ito. Kaya nga kahit na anong role ang ipagkatiwala rito, mahusay nitong nagagampanan.

Pero nababahala ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nito dahil ramdam nila na may malalim na dinaraanan ito sa kanyang marital life.

Idinarasal nila sa lahat ng santo at santa na hindi sana totoo ang balitang nakararating sa kanila na battered wife ang nasabing aktres.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

12 thoughts on “Mahusay na aktres, binubugbog ng asawa?!

  1. ano na ba si Willi Revillame saan sulok ng mundo sya nagtatago..pwede bang malaman. Pababalikin pa ba sya sa Wowowee.. kasi kahit may katok OK sya doon..itong mga bagong host na ina -alternate o; part time host…walang dating ..walang karisma hindi nakakatawa. walang aliw..

  2. Si Vice Ganda..palagay ko..magbibigay lang ng magandang score sa team kung ME MAHAHADA SIYA sa grupo. Grabe itong baklang ito. Sana sumunod na siya sa pagbagsak ni Willie Revillame. Paris ni Chocolait na bumagsak na dahil mayabang na din ang dating..darating sin ke Vice ang karma.

  3. Kawawa naman si Jodi. Ang pangit nga ng napangasawa niya kumpara sa ganda niya tapos bubugbugin pa siya. Paano ba naman..Lacson ang pinili pa eh. Para nga siyang kawawa dahil sa yaman ng mga Lacson galing sa Pinas ay hindi man lang siya madamitan ng maganda at maayos. Parang tinitipid siya ng husto . Sayang na bata.

  4. Bakit? May nakakita bang may pasa sya? Kung balisa lang, di kaya dahil lang sa situation ng fater-in-law nya?

    Sa mga clueless: Ping Lacson, Jodi’s father-in-law is sought by authorities (including Interpol) in relation to the charges filed against him for the murder of PR man Dacer. It’s in the news recently that Lacson is in Pinas all along. I could just imagine that this could take a toll on the family members din especially when they could get accused of coddling a fugitive.

    Ang galing din ng connect-the-dots nyo: from “lamlam na mata” naging “battered wife”. Esep, esep….

  5. pasingit po: Vice is naturally bastos, bungangera at mayabang. Kaya bagay talaga sila magsama. suggest this show : Vice @ reEVILlame Show, sa tagalog Bisyo ni Satanas Show, timeslot 1am para tulog na kabataan.
    Too obvious, binaboy niya taga Davao crew last week Showtime. Lahat ng judges excellent remarks and score, pagdating sa kanya, bagsak to a shocking 06. Dahil kasi sa manok niya na Ilolio Crew na puro kabaro niya, (malaki lagay?) Dati akong fans ni Vice, pero marami akong nadiscover sa kanya. Remeber last 15 june 2010, taga Davao Oriental, binigyan niya ng lowest score na 05, susmayosep, sa layo ba naman, tapos 05 lang? Asan naman puso mo Bisyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.