Mahusay na aktor, natakot hawakan ang retokang mukha ng sexy actress!

PUHUNAN TALAGA ng mga artista sa showbiz ang kanilang hitsura, kaya sa dami ng naggagandahang aktres sa showbiz, hindi mo na alam kung sinu-sino sa kanila ang nagtataglay ng tunay na ganda at kung sinu-sino rin naman ‘yung may ipinangangalandakang ganda, pero sa likod ng kanilang utak, bumubulong sila ng mga salitang: “Salamat po, Doctor!” dahil puro na sila mga retokada. Kasi nga, naglipana na sila sa lokal na aliwan.

Katulad na lang ng dating sexy star na itago natin sa pangalang Vangie Yuzon. Maganda na talaga siya dati. Kaya lang, pokpokina naman siya, na laging mayroong mayamang Papa, kaya nu’ng kinakailangan na niyang mayroong baguhin sa kanyang hitsura, kinarir niya talaga ang pagpapaganda. Inayos ang mukha, ang boobs, pinaumbok ang puwet at ginalaw ang pupuwede pang ayusin. Ngayon, napakaganda niya na mukhang santa na inukit sa kahoy.

Kamakailan, nahirapan ang leading man ni Vangie sa isang teleserye. Heavy drama ang eksena, kung saan kunwari’y namatay siya. Mahigpit siyang niyayakap at hinahaplos ng kanyang leading man na napakahusay na aktor. Todo-bigay ang acting ni leading man, pero nu’ng haplusin niya ang mukha ni Vangie ay parang nagpipigil siya, kaya ang dating ay nakulangan ang acting niya. Papaano kasi niya hahaplusin nang pabigla ang mukha ni Vangie, eh, kabado siya na baka may parte ng ganda ni aktres na mawala sa porma, gaya ng ilong. Aware kasi siya na retokada ang leading lady niya, dahil usap-usapan talaga iyon sa showbiz.

(By Melchor Bautista)

 

loading...

8 thoughts on “Mahusay na aktor, natakot hawakan ang retokang mukha ng sexy actress!

Leave a Reply

Your email address will not be published.