Mahusay at magandang aktres, kuripot sa make-up!

SINO ITONG MAHUSAY na aktres na maituturing na isa rin sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, pero may kakuriputan sa pagbili ng kanyang pang-make up para mas lalo pa siyang gumanda? Nu’ng kanyang kasikatan na milyun-milyon ang kanyang talent fee sa mga pelikulang kanyang ginagawa, may nakakatuwang kuwento tungkol sa kanya na ilang kapwa niya artista at ilang press lang ang nakaaalam.

Regular na napapanood noon ang maganda at mahusay na aktres sa isang Sunday variety show na ang main host ay ang beteranong komedyanteng ang drama ay walang tulugan. Puro patok sa takilya noon ang mga pelikula ni aktres, pero dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa komedyante, hindi niya iniiwan ang Sunday show na iyon. Magaganda rin ang ibang aktres na kasama niya sa show, pero hindi nila puwedeng kabugin si Best Actress.

Napansin ang pagiging kuripot ni Best Actress sa kanyang pampaganda, dahil marunong siyang mag-make up sa kanyang sarili. Minsan, isang grupo ng press ang nag-interview sa kanya. Habang tsinitsika siya, ay nagre-retouch siya ng make-up. Kuntodo pahid siya ng powder sa magandang face niya. Napamulagat ang mga press nang masulyapan ang ginagamit niyang face powder. Kasi, pudpod na ang lalagyan noon sa pagkaubos, at lata na ang kinukuskos ng ispongha niya at ipinapahid niya sa mukha! Hindi man lang bumili ng bago, eh, milyones ang kinikita niya?

May asawa na ngayon si Best Actress, at milyonaryo ang napangasawa niya. May dalawa na silang anak. Walang kupas ang kanyang kagandahan, at walang niretoke sa mukha niya. Ang tanong: Nagtitipid pa rin kaya siya ngayon sa pagbili ng mga pampaganda? Clue: Nagmula sa puso ang lalim ng acting niya, kaya napakahusay niya. ‘Di ba, Erick John Salut?

(By Melchor Bautista)

loading...

10 thoughts on “Mahusay at magandang aktres, kuripot sa make-up!

  1. Hindi ba politician rin ang asawa ni Dawn ? Kung minsan, ganyan rin ako. Mahirap kasing humanap nang make-up na angkop sa shade nang skin ko kaya sagad na sagad ang make up ko. I used to order it from friends kung walang mahanap rito. Mabuti na lang, nagbukas nang specialty shop ang kumpanya at nakakabili na ako sa maski saang mall rito sa Cali.
    OK rin na siya na ang mag make-up sa sarili. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa kanya.

  2. Sobra naman! I don’t see anything wrong with being masinop…duh, at least si Dawn hindi feelingerang mayaman kahit na may K. Aanhin naman niya ang bagong make up kung kahit anong pahid pangit pa rin, at least siya kahit pudpod na…maganda pa rin.

  3. hahaha….
    inngit lang sila sa ganda ni ms. dawn..

    si regine nga di kuna maalala tunay nyang mukha…
    paano na kaya kung sakanya nagmana ang anak nya
    naalala nyu pa ba orig. na mukha ni ms. reg?

  4. i don’t c anything wrong kung mtipid man c dawn s make-up. di sya 2lad ni greta n bulagsak s perang di pinaghirapan. . .

  5. correct wla naman masama kung ndi sya bumili ng bgo make up practical lang tlaga sya at hindi na nya kailangan ng masyadong make up dahil natural na maganda naman sya mas ok pa nga yun kesa sa mga ibang artista na todo kapal ang make up pangit parin…

  6. walang masama sa ginagawa nya. ano ang gusto nyo ubusin nya sa make-up ang pera nya? kung tutuusin dapat syang tularan. ilang artista na ba ang yumaman at sumikat pero naghirap dahil inubos ang pera sa mga walang kwentang bagay. nora aunor is a living example.

  7. Bakit naman inilaladlad pa ang pagiging practical lang ng aktres. Masama ba kung maging practical. Eh bawat content ng makeup eh binayaran mo bakit mo itatapon kung meron pang makukuha. Parang coke, inumin mo till the last drop masama ba iyon. Pintasero, wala lang kayong maipuntos sa aktres kaya kahit maliit na bagay ginagawang sensational. Nakakasuya iyang blind item mo. Walang kahangahanga puwe!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.