Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na winner na winner pagdating sa drama? Hindi lamang sa mga teleserye ang pagdrama niya kung hindi maging sa press conference ng isa nilang project ay umagaw-eksena pa siya!

Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na winner na winner pagdating sa drama? Hindi lamang sa mga teleserye ang pagdrama niya kung hindi maging sa press conference ng isa nilang project ay umagaw-eksena pa siya!

Ang chikka kasi, nasa isang presscon si sexy actress, kung saan pinaalalahanan ang mga reporters na mag-concentrate sa project at huwag nang magtanong sa nakaraan ng sexy actress. Sa kasagsagan ng presscon, nagtanong ang isang late na reporter kay sexy actress at inungkat ang kanyang nakaraan. Kaya walk-out ang drama ni sexy actress at hindi na talaga nagbalik. Galit na galit ang mga press at ayun, naglisanan ang mga tao at nilangaw ang presscon.

Masaklap ang nakaraan ni sexy actress, ngunit dapat ay naging mas professional sana siya dahil kung sakali mang nakalimutan niya ay ibibigay ko na rin ang clue na sa insidenteng iyon mula sa kanyang nakaraan kaya siya nakilala at nagkapangalan. Ano ‘di n’yo pa rin gets?!

(Tita Swarding)

loading...

7 thoughts on “Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na winner na winner pagdating sa drama? Hindi lamang sa mga teleserye ang pagdrama niya kung hindi maging sa press conference ng isa nilang project ay umagaw-eksena pa siya!

  1. katrina halili?…napanood ko yung video nila ni hayden kho.(@_@!)GRABENG hmmm…tinalo pa ko 20yrs.na ‘kong kasal hindi ko yata yun magagawa…

Leave a Reply

Your email address will not be published.