Mahulaan n’yo kaya itong female TV host na ilang araw na ring sinasakop ang espasyo sa aking column dahil sa balitang pagkasabik nito sa S?!

Mahulaan n’yo kaya itong female TV host na ilang araw na ring sinasakop ang espasyo sa aking column dahil sa balitang pagkasabik nito sa S?! Kung noon, balitang nagbabayad siya ng call boy sa Espanya upang makaraos ay ibahin n’yo ang chikka ko ngayon.

Minsan rin pa lang nakatikim ng masarap na putahe itong gurangers na TV host, dahil ayon sa aking parazzi girl na malapit sa host, ito raw guwapong actor na sikat na sikat ngayon na kung sino-sinong babaeng nali-link sa kanya ngayon ay na-booking na raw ni TV host.

Noong hindi pa raw kasi sikat si guwapong aktor, madalas daw itong kasama ni TV host sa mga out of town shows at dahil sa sobrang pagkagusto ni TV host, pinilit niyang matikman ang guwapong aktor. At ano man daw ang sabihin ni TV host ay ginagawa raw talaga ng aktor dahil siyempre para sa career hindi dahil sa chakang TV host, ha? Feelingera!

Kung malalaman n’yo lamang kung sino itong si guwapong aktor, malamang hindi na siya yummy sa inyong paningin kahit gaano pa man siya kaguwapo at katisoy. Ha-ha!

(Tita Swarding)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.