Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa larangan ng kagandahan na matapos magwagi ay ganu’n na lang din kabilis nagbago ang ugali. Bakit?

Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa larangan ng kagandahan na matapos magwagi ay ganu’n na lang din kabilis nagbago ang ugali. Bakit?

Ang chikka kasi sa akin ng aking parazzi girl, primadonna na raw ang drama ng babaeng ito. Tuwing may guesting ay nag-iinarte na para bang siya na ang producer. Bawat ibigay na damit na kanilang stylist ay halos magwala na siya sa pagtanggi dahil kesyo ayaw raw niya, hindi raw bagay sa kanya at kung anu-ano pang dahilan niya. Maging ang kanyang make-up, inirereklamo pa, kaya hirap na hirap ayusan ng mga kawawang stylist itong si babae.

Noon naman ay sobrang bait niya at hindi naman ganu’n ang ugali niya. Sa bagay, kapag winner winner ka nga naman at nagkapangalan at kinikilala na ng marami, mahirap nang magpakumbaba. Kailangan n’yo pa ba ng clue eh, gets na gets n’yo na!

(Tita Swarding)

Related Post

loading...

3 thoughts on “Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa larangan ng kagandahan na matapos magwagi ay ganu’n na lang din kabilis nagbago ang ugali. Bakit?

  1. Venus raj.. pero i have doubts about it. mabait na tao si venus..baka gawa gawa na naman to ng walang credibilidad na writer.

Leave a Reply

Your email address will not be published.