Mahihirap na estudyante, bibigyan ng trabaho

BIBIGYAN NG PAGKAKAKITAAN ng Navotas City government ang mahihirap na estudyante sa lungsod sa pamamagitan ng programang Special Program for the Employment of the Students (SPES) ngayong darating na summer vacation.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, aabot sa 160 kabataang estudyante ang mabibiyayaan ng naturang programa na layuning mabigyan ng pagkakakitaan ngayong bakasyon ang mahihirap na mag-aaral.

Magsisimula ang programa sa April 5 ng taong kasalukuyan kung saan ay dalawang buwang magtatrabaho ang mga estudyante sa iba’t ibang departamento ng city government kabilang na dito ang pagiging clerk, encoders, liaison officers, aids at iba pa.

Makakatanggap ng minimum salary pay ang mga estudyante kung saan ang 40% dito ay magmumula sa Department of Labor and Employment (DOLE) habang ang natitirang 60% naman ay manggagaling sa lokal na pamahalaan.

“This program aims to instill in the minds of our young Navoteños the importance and value of hard work and to make use of their vacation constructively.  We see to it that only the most needy and qualified will be accepted in the program,” saad pa ni Tiangco. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.