Mahigpit na ‘bidding’ ipinag-utos sa DPWH

IPINAG-UTOS NI DEPARTMENT of Public Works and Highways (DPWH) Rogelio Singson sa kanyang mga Regional Directors at District Engineers sa buong bansa na pakiusapan ang mga contractors sa gagawin bidding sa kani-kanilang mga projects na magsumite ng 10 percent below the Approved Budget Contract (ABC) sa projects.

Ang pakiusap ng kalihim sa mga District Engineers at Directors sinabi sa “Operations Coordination Meeting” kaninang umaga na dinaluhan ng apat na rehiyon na kinabibilangan ng Region IV-A, Region IV-B, National Capital Region (NCR) at Region V upang makatipid ang departamento sa gastusin.

Sinabi ni Singson na ang layunin sa isinagawang workshop ay upang mabago ang kultura, values at imahe ng kagawaran at maibalik muli ang tiwala ng taong bayan sa kanila.

Ani pa nito, “Right Project, right quality at the right cost” na ang ibig sabihin ay prayoridad ng fund allocation sa mga project katulad ng mga national roads at bridges para sa mga pangunahing destinasyon at highly agriculture areas na tinaguriang bagsakan centers.

Tamang proyekto at mahigpit na bidding process at competitive bidding system ang dapat ipatupad ng kagawaran nang sa gayon ay maiwasan ang graft and corruption.

Sa isinagawang pagtitipon iminungkahi ng kalihim ang makabagong construction methodology at equipment tulad ng road pavers at iwasan ang mga abusadong mga politiko na sumisira sa imahe ng kagawaran. (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.