Mahigit sa 300-K katao, nakiisa sa unity run ng AFP

NASA MAHIGIT 300,000 mga runners ang nakiisa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa unity run na sabay-sabay isinagawa sa buong bansa kahapon.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Kahit Isang Araw Lang: Unity Run”.

Kabilang sa mga lungsod na nakilahok sa programa ang Cebu City, Tacloban City, Bacolod City, Davao City, Butuan City, at Puerto Princesa City.

Nag-deploy rin ang AFP ng mga reservists at Reserve Officers Training Corps (ROTC) cadets mula sa Philippine Navy, Air Force at Philippine Army maliban pa sa AFP personnel mula sa general headquarters, major services, National Capital Region Command (NCRCOM), Central Command (CENTCOM), Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) at Western Command (WESCOM).

Ayon kay Lt. Gen. Jessie Dellosa, layunin ng nasabing unity run na makapagbigay ng computer at air-conditioning units sa mga pampublikong paaralan sa bansa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Mahigit sa 300-K katao, nakiisa sa unity run ng AFP

  1. Mali ang nilalaman ng balitang ito. Hindi nakiisa ang mga runners sa AFP kundi sa UNTV sa pangunguna ni Daniel Razon at Bro Eli Soriano. Manapa, ang mga members ng AFP ang nakiisa sa Unity Run ng UNTV. Sana sa mga ganitong mga balita of national interest maging responsable tayo. Kung hindi ninyo i-cocorrect ang nilalaman ng maling inuulat dito, madali lang naman sa amin ikalat ang maling pagbabalita ninyo para huwag pamarisan. Maging professional at responsable sana tayo sa pagbabalita.

  2. Hindi AFP ang ang organize nun… participants cla at hindi organizer… ano ba naman yan…. Be responsible naman sa pagbabalita!!! Halatado naman kayo!!! Si KUYA DANIEL RAZON at UNTV with BRO ELI SORIANO of ANG DATING DAAN ang nag organize niyan at HINDI AFP!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.