Mahigit P300-M utang sa GSIS, ibinulgar Kaban ng Caloocan, bangkarote Ni Roman Magpoc

 

DAHIL SA UTANG na nagkakahalaga ng mahigit P300 milyon, inilagay ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Caloocan sa hanay ng mga ‘black-listed’ cities and municipalities sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, ang Caloocan ay may utang na Php343,814,739.85 para sa ‘di naihulog na personal contribution, employers contribution at EC shares at penalties, ayon kay GSIS Gen. Manager Robert Vergara.

Dahil dito, inilagay sa ‘suspended status’ ng GSIS ang lungsod at lahat ng kawani nito ay ‘di maaaring makatanggap ng anumang uri ng benepisyo hanggat ‘di nababayaran ang pagkakautang sa ahensya.

“Isang malaking problema ang sinuong na ito ng pamahalaang lungsod dahil mistulang tinanggalan ang mga kawani ng kanilang benepisyo bilang GSIS members,” ayon kay Vice-Mayor Egay Erice.

“Kung sakaling magreretiro naman ang isang kawani o kaya ay namatay, ang kanyang retirement benefit ay kakaltasan ng katumbas sa mga contributions na ‘di naihulog,” paliwanag pa ni Erice.

Dahil sa pagkakautang na ito nang malaki ng pamahalaang lungsod, maraming nagretirong kawani ang dumadaing dahil ang kanilang benefits ay binawasan ng GSIS ng halagang katumbas ng 5 taon.

Ayon pa sa ulat, mahigit 5 taon na ring ‘di nakakahiram ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa nasabing ahensya, isang bagay na ‘di dapat mangyari kung may malasakit si Mayor Recom Echiverri.

Nagsimulang ‘di magbayad ang Caloocan sa GSIS noong 1997 sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Reynaldo Malonzo at nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyang bangkaroteng liderato ni Echiverri.

Dahil sa tagal ng ‘di pagbabayad, nagpatung-patong ang interes hanggang sa umabot sa mahigit Php343 milyon ang pagkakautang sa GSIS.

“Hindi lahat ng kawani ay nabubuhay ng kumportable na tulad ng alkalde. Marami sa mga empleyado natin ang umaasa sa mga emergency loan mula sa GSIS para mabayaran ang tuition fee ng kanilang mga anak, o maipagamot ang kanilang maysakit na kapamilya o makabili ng ataul para ipalibing nang maayos ang pumanaw na mahal sa buhay,” paliwanag pa ni Erice.

Sinabi ni Erice na ipinaalam niya ang problemang ito ng mga kawani kay Mayor Echiverri pero imbes na umaksiyon, minasama para raw ng alkalde.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mahigit P300-M utang sa GSIS, ibinulgar Kaban ng Caloocan, bangkarote Ni Roman Magpoc

  1. Pingback: Nothing found for Photo-release-sea-sand-and-fun-with-children-of-the-sussex-house-orphanage

Leave a Reply

Your email address will not be published.