Mahigit P300-M tulong sa mga magsasaka, ilalabas

AABOT SA P334 milyon ang ipagkakaloob na suporta para sa mga magsasakang nalugi matapos malubog sa baha ang kanilang mga pananim.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Department of Agriculture (DA), magmumula ang nasabing halaga sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Batay sa talaan, ito na ang pinakamalaking payout na inilabas ng nasabing ahensiya bilang tulong sa mga magsasakang napinsala ng kalamidad.

Tiniyak ni PCIC president Jovy Bernabe na magbibigay sila ng expansion ng kanilang insurance coverage upang mas marami ang mabigyan ng suporta.

Sa assessment ng mga eksperto, P333.93 milyon na halaga ng pananim, kung saan ang malaking bahagi nito ay palay, ang mga na-washout ng baha.

Tinataya naman na aabot ng 26,794 na mga magsasaka ang nasapol ng kalamidad mula sa 40,138 na ektarya ng lupain. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.