Mahigit P100-K, Natangay sa Negosyante

UMAABOT SA P110,000 ang natangay ng dalawang salarin sa hold-up sa negosyante sa Brgy. Bondulan, San Dionisio, Iloilo.

Sinabi ni C/Insp. Danilo Delos Santos, hepe ng San Dionisio Municipal Police Station na sakay sa motorsiklo ang biktimang si Jocelyn Castigolan, 42, ng Sara, Iloilo at negosyante ng plasticware nang binangga ng mga holdaper.

Samantala, nang matumba ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima, tumilapon ang bag nito na naglalaman ng pera at ito ay tinangay ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.