Mahigit P1-M, Nakulimbat sa Mall sa GenSan

MAHIGIT P1 milyon ang halaga ng ninakaw ng anim na suspek sa isang mall noong Sabado ng gabi sa General Santos City.

Ito ang lumabas sa patuloy na pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa panghoholdap sa Fitmart mall.

Ayon kay C/Insp. Leo Sua, hepe ng Pendatun Police Station, matagum-pay na naaresto ang isa sa mga suspek dahil sa tulong ng CCTV camera.

Matapos umamin sa pulisya ang isa sa mga lookout sa nasabing pagnanakaw, nadagdagan ang naarestong suspek na si Ronald Bustamante.

Ang unang apat na nahuling suspek ay kinilala naman na sina Alex Rubin, Francis Bayona, Jover Saladan, Michael Klint Tagalog na nakuhanan ng iba’t ibang uri ng baril at bala. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.