Mahigit isang buwang ‘di na raw nagsasama
Claudine Barretto at Raymart Santiago, totoong hiwalay na?!

MUKHANG TOTOO na nga itong isyu sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto, ah!

Ang latest na nabalitaan namin, mahigit isang buwan na raw na hindi nagsasama ang mag-asawa, kaya parang hiwalay na nga sila.

Kuwento rin ng Startalk staff namin, nakikita raw nila sa Instagram ni Claudine na mga anak lang nito ang kasama at hindi na si Raymart.

Si Raymart kasi tahimik lang at ayaw niya talagang magsalita tungkol sa isyu nila ni Claudine.

Kasi kung wala namang katotohanan ‘yun, magsasalita na ‘yun na hindi totoo, ‘di ba?

Pero tahimik lang siya talaga. Kapag merong gustong mag-interview sa kanya, ingat na ingat ang mga sagot nito at mahigpit ang biling walang mga ganu’ng tanong.

Dapat nga may exclusive interview sa kanya ang Startalk, pero biglang nagpa-cancel at baka nga matanong ang isyu nila ni Claudine, pati ang away diumano sa mga kapatid.

Ngayong pinag-uusapan ang isyung hiwalayan nilang dalawa, karamihan sa naririnig kong simpatiya ay kay Raymart.

Noon pa naman kasi hindi nasasangkot si Raymart sa mga gulo. Nadadamay lang ito sa gulo dahil sa kagagawan din ng asawa niya.

Si Claudine naman ay kung saan-saang gulo siya nasasangkot at may isyu pang bipolar kaya mas kampi ang karamihan kay Raymart.

Pero mabait naman daw ang aktres sabi nga mga taong malapit sa kanya. Baka nga raw magsalita na ito para linawin ang lahat.

Hay, naku! Kokornerin ko talaga si Raymart kapag nagkaroon ako ng pagkakataon. Dapat mapasalita ko ‘yan!

 

NAGSALITA RIN si Maxene Magalona sa nakaraang FAMAS awards night na okay pa rin daw sila ni Renz Fernandez pagkatapos nilang mag-break.

Walang third party involved daw, at maayos daw ang kanilang hiwalayan. Kaya naman hanggang ngayon ay friends pa rin daw sila.

Sabi pa nga ni Maxene, pati raw si Lorna Tolentino ay okay raw sa kanya at meron nga raw silang komunikasyon.

Sa tono nga ng mga sagot ni Lorna, parang puwede pa silang magkabalikan, eh.

Sabi naman ni Maxene, marami raw siyang natutunan kay Renz, kaya maganda raw ang kanilang relasyon at hindi raw niya makakalimutan.

Malay nga natin baka magkabalikan pa sila.

Sana nga hindi pa makakita ng panibagong boyfriend si Maxene, at ganu’ndin si Renz na nali-link naman daw kay Coleen Garcia na kasama niya sa Little Champ.

Sabi nga ni Lorna, ang bata pa naman nila at marami pang in store sa lovelife nila. Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

9 thoughts on “Mahigit isang buwang ‘di na raw nagsasama
Claudine Barretto at Raymart Santiago, totoong hiwalay na?!

  1. Magkakabati din yan sa huli…tinganan mo si Ara Mina at Chrstine Reyes…panapanahon lang yan. Away magkapatid, mabilis ayusin…pandadag drama lang yan dahil showbiz!

  2. myabang kc cia nung kasikatan ny.d ny gyahin cl juday,angel,anne at kim chui n kht mga sikat ay wlng attitude problem ..

  3. paulit-ulit nlang naman yang isue na hiwalay na ang 2 pero inda end edi nman pla tru….anyway in time lalabas naman ang truth…