Mahigit 300 PCOS machines, pumalpak

KINUMPIRMA KAHAPON NG Smartmatic-Total Information Management (TIM) na umaabot na sa 328 Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine ang natuklasang pumalpak bunsod ng pagiging depektibo kasabay ng nagpapatuloy na automated elections sa bansa.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi kay Smartmatic-Asia Pacific President Cesar Flores, sa naturang bilang, 239 dito ang napalitan na habang ang natitirang 89 na makina ay pinoproseso pa ang pagpapalit.

Hindi naman masabi ni Flores kung saang partikular na mga lugar nanggaling ang mga depektibong makina.

Ilan sa mga makina ay nagkaproblema umano sa screen, printer, power source at maging sa compact flash (CF) cards.

Tiniyak naman ni Flores na may sapat silang makina na pampalit sa mga depektibong PCOS machines sa nagpapatuloy na halalan sa buong bansa.

Nabatid na umabot sa 82,200 na PCOS units ang inihanda ng Smartmatic para sa automated elections kahapon at mahigit sa 6,000 dito ang nakareserba para sa mga masisirang makina.

Samantala, tuluyang idineklara na ang failure of elections sa bayan ng Guimbal, Iloilo at isa pang bayan sa Samar.

Ito’y matapos na nagkapalit ang mga balota ng dalawang lugar kung kaya’t walang nangyarihang halalan.

Apat namang mga bayan sa Lanao del Sur ang inirekomenda na ideklarang may failure of election.

Ayon kay Brig. Gen. Rey Ardo, commander ng 1st Tabak Division, walang mga board of election inspectors sa bayan ng Sultan Dumalondong, Tubaran at Masiu dahilan upang ideklara ang failure of elections.

Inihayag ng opisyal na ang bayan ng Lumba-Bayabao ay may failure of elections matapos na hindi gumana ang mga precinct count optical scan (PCOS) machines na ginagamit sa halalan.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

19 thoughts on “Mahigit 300 PCOS machines, pumalpak

  1. If I were Kris I would not gloat too much about Noynoy’s win. His apparent victory is not the people’s mandate. Just be happy that these crooks want NOynoy there by hook or by crook. Everybody knows, Kris knows, Noynoy knows, that there was MASSIVE CHEATING during the May 10 elections. DID YOU EVER WONDER WHY THE CF CARDS, PCOS MACHINES SUDDENLY GOT MESSED UP A FEW DAYS BEFORE THE ELECTION? The Aquino camp was the mastermind of this election fraud. The ultimate goal was to put NOY-BI as winners. Mar is definitely the winner for the Vice-Presidential race but the Aquino camp including the SISTERS AND COJUANGCO CLAN do not want Mar. Big struggle ahead for Mar to claim the votes that are righfully his. What’s the rush to advance Noynoy’s proclamation? Are they afraid that an investigation might surface?

    People here will label me again as a sore loser, anybody’s suporter, “bayaran.” I’m not any of these. I’m just a Filipino observer who cares about Filipinos being fooled by these hypocrites.

  2. THE AQUINO family GRAND CHARADE!!!

    NOYNOY, BINAY, 4 SISTERS (KRIS, BALLSY, AND THE OTHER TWO), ABAD, ETC…

    TUMIGIL NA KAYO SA PALABAS NINYO. KUNWARI HANGGANG SA KAHULI-HULIHAN AY NAGLALABAN SI MAR AT BINAY PARA SABIHING FAIR AND SQUARE ANG LABANAN. AMININ NYO NA, MGA AQUINONG TAKSIL, NA SA SIMULA PA LANG SI BINAY NA TALAGA ANG GUSTO NYO NA MAGING KA PARTNER IN CRIME NI NOYNOY. GINAMIT NYO MUNA ANG ANG RESOURCES NI MAR, BAGO NYO TINAGA SA LIKOD. DI BA YAN ANG NATUTUHAN NYO SA NANAY NYONG TAKSIL? HINDI NA KATAKA-TAKA. SOBRA ANG DRAMA NYO.

    YOU ARE INSULTING THE FILIPINOS INTELLIGENCE. KAHIT COMMON SENSE LANG HALATA NA ANG KADRAMAHAN NINYO. TIGILAN NYO NA YAN. BINAY KUNG BINAY. BUKING NA KAYO. HUWAG NYO NANG PALALA-IN ANG PANG-IINSULTO NYO SA KAALAMAN NG TAONG-BAYAN. KUNG TUSO KAYO, MAS TUSO ANG TAONG-BAYAN. SIGE LANG KAYO , LOKOHIN NYO NG LOKOHIN ANG TAONG-BAYAN, PALALAIN NYO ANG BAHO NG PAMILYA NYOng dati ng mabaho PARA LALONG UMALINGASAW. NAKAKASUKA NA KAYO.

    ABOUT MAR, EWAN KO LANG KUNG KATANGAHAN NA PATULOY NA UMAASA O TALAGANG LUMALABAN SYA DITO SA MGA TAKSIL NA ITO.

  3. LALABANAN DAW NI AQUINO ANG CORRUPTION

    UNAHIN MUNA NI PRESIDENT – ELECT ANG SARILI NYA. DI BA, LEAD BY EXAMPLE? IMBESTIGAHAN MUNA NYA ANG OVERPRICING NG SCTex.

    IMBESTIGAHAN MUNA NYA ANG PORK BARREL NA NAPUNTA SA MGA KAMAY NYA NG 9 YEARS AS CONGRESSMAN AT 2 YEARS SA SENATE. WALA NAMAN SIYANG PROJECT NA NAGAWA KUNDI MAG BILLIARD.

    IMBESTIGAHAN DIN NYA ANG HATIAN SDO PLAN SA HACIENDA
    DAHIL NILLOLOKO LANG NIYA ANG MGA MAGSASAKA.
    UNDER THE SDO PLAN.

    TAPOS SI BINAY NA, MUKHANG MAHIHIRAPAN SYA DITO SA ISANG ITO. MATINIK ITO. PARANG SI PALOS, ANG TAGAL NANG MAY KASO ITO NG CORRUPTION (GHOST EMPLOYEES), OVERPRICING SA MEDICAL SUPPLIES SA OSPITAL NG MAKATI, ATBP…

    BAKA DITO PALANG TUMULO NA ANG LAWAY NI MR. AQUINO

  4. Manila Bulletin
    May 16, 2010

    —-
    The President-elect surprised his aides when he took the wheel of his BMW, in his sleeping attire short pants and T-shirt. I have heard of sleepwalks… but sleep- driving..?

  5. si kris po ang nagsabi nun na aalis po sya ng bansa pag nanalo kapatid nya di po ba? wala naman po sigurong namilit na sabihin nya iyon. pero ngayon po ay iba na ang ihip ng hangin, lumalabas pa po na wala naman daw kasalanan si kris at bakit kailangan i-”exile”. yan po mismo sabi ni noynoy…

    sa maliit na bagay po nag uumpisa yan. kung may delikadesa ka, wag ka magbibitiw ng salita na di mo rin kayang panindigan sa huli. dahil kung sa maliit ng bagay, di ka na tumutupad, ano pa kaya mangyayari sa mga malaking bagay na alam naman nating mahirap gawin?

    papaano na po ang hacienda luisita? may limang taon pa po maghihintay ang mga manggagawa dun kung tototohanin nga ni noynoy mga sinabi nya.

    papaano na ang mga nagnakaw at nagksala sa bansa? magiging “unfair” ba sa kanila kung ipagdiinan ng taung-bayan na sila ay litisin?

    papaano na ang pangakong “hindi magnanakaw?” ah kung ngayon pa lang pong hindi pa nakaupo si noynoy, nag-aaway na ang kampo nya kung paano makakakuha ng malaking parte ng gobyerno?

    sa tingin ko lang naman po, pangangalagaan lang ni noynoy ang inters ng mag-anak nila eh (naririnig na naman natin ang mga kataganf “Kamag-anak Inc.” di po ba?) ito po ay pinatunayan na po nila kay senador mar roxas… (isipin nyo na lang po, kung nadala si noynoy ng INC at ganun kalayo ang boto niya sa mga kalaban, bakit po hindi ganun din and kay mar roxas at “neck and neck” pa po sila ni binay? (ayaw ko pong isipin na hindi sumusunod sa pahayag ng pamunuan ng INC ang kanilang mga miyembero kaya nagtataka lang po ako rito.)

    one time comment lang po. at para sa lahat po, hindi po ako nakaboto sa rodriguez rizal dahil nawawala po ang pangalan ko sa listahan… at pansinin po nyo sa mga nakaraang blog dito kay mr. ph na sa rodriguez rizal, shut out po ang ibang kandidato, maliban kay noynoy…

    yun lang po. tapos na po ang eleksyon, pero hindi pa po tayo tapos mag-isip para sa sarili… at sa bayan na rin =)

  6. sana nasira na lang lahat ang pcos machine para nag martial law nalang at hindi na naging pres. si noynoy. sayang kala ko pa naman.

  7. Abs-Cbn News
    May 13, 2010

    MANILA, Philippines – A faction among the relatives of leading presidential candidate Benigno “Noynoy” Aquino III junked his running mate Manuel “Mar” Roxas II in favor of their long-time political ally, Jejomar “Jojo” Binay of the Pwersa ng Masang Pilipino, according to Aquino-Roxas tandem supporter Fr. Eliseo “Jun” Mercado.

    “Ang dala ng mga Cojuangco ay Noy-Bi, not Noy-Mar (The Cojuangcos are carrying Noynoy-Binay, not Noynoy-Mar). They all came here [in Mindanao]. Tingting Cojuangco was here with Jun Simon,” Mercado, a professor at the Notre Dame University in Cotabato City and founder of the Mindanao Leaders Coalition or Kusug Mindanaw, told abs-cbnNews.com/Newsbreak in a phone interview.

    Margarita “Tingting” Cojuangco is Noynoy’s aunt. She is the wife of Jose “Peping” Cojuangco Jr., the younger brother of the late President Corazon Aquino whose alleged deals and influence-peddling during her administration led a columnist to coin the word Kamag-anak Inc. (Relatives Incorporated).
    Simon, on the other hand, is a member of Peping’s
    Council on Philippine Affairs (COPA). He was appointed by President Aquino as OIC Mayor of Quezon City in 1986.

    “Of course, they still have their contacts during the time of Cory,” Mercado added.

  8. THE 2nd GRAND BETRAYAL BY AN AQUINO
    First by the mother, then by the son. This was my post before the election and is happening now.

    ANG KATAKSILAN NG MAG-INA

    KATAKSILAN NG NANAY NA SI SANTA CORY
    —–Noong 1985 SA Araneta Coliseum enendorso ni Cory si Salvador Laurel para kandidato pagka pangulo. Pagkalipas ng limag buwan biglang sinabi na siya na ang kakandidato. Hinimok niya si Salvador Laurel na maging bise presidente. Kahit ayaw ni Laurel dahil mayroon siyang sariling ambisyon na maging presidente ay pumayag narin dahil sa isang kasunduan na gagawin siyang prime minister dahil wala ngang karanasan si santa cory kaya bale si Laurel ang mamamahala bilang prime minister. Kaya pumayag si Laurel. Lahat ng mga resources niya, paghahanda, pera, tao o partido, atbp… ay sinuporta niya kay santa cory. Naging president si santa cory. Tinupad naman niya nag kasunduan nila ni Laurel. Sa pamamagitan ng Presidential Order No. 1 ay naging prime minister si Doy Laurel noong Feb. 25, 1986. ETO ANG KATAKSILAN NI SANTA CORY. Pagkalipas lang ng isang buwan noong Marso 25, 1986 sa pamamagitan din ng Presidential Order ay pinawalang bisa nya ang Batasan kasama na ang pagka wala ng posisyon ng prime minister doon.In other words binawian si Doy Laurel. Pinagbigyan naman niya si Doy Laurel ng isang buwan tapos tinaga sa likod. Nakuha na nya ang gusto niya , diba? SOBRANG KATAKSILAN.

    KATAKSILAN NG ANAK NA SI NOYNOY ABNOY
    ——-Kahapon yata ay nakita ko yung ad ni Binay na nandoon si santa cory at enendorso ni Chiz escudero si Noynoy Abnoy para presidente at El Rambotito de Makati na si nognog Binay para bise presidente. Sabi ko na nga ba mangyayari ito na tatraydurin ni Noynoy Abnoy si Mr. Palengke Mar Roxas. Nakumbinsi na nga itong mahinang tuhod na si Mar para ibigay ang kandidatura pagka pangulo kay Noynoy ABnoy, ngayon any minamaniobra na ang vice presidency para kay nognog Binay. Si nognog Binay kasi utot yan ni santa cory. Walang pinagkaiba itong si Noynoy Abnoy sa nanay nyang si santa cory. Meron pala, At least yung nanay niya hinintay munang manalo siya at pinagbigyan si Doy Laurel ng isang buwan. Eh itong si Noynoy Abnoy palibhasa may topak, hindi pa nga natatapos ang election pinagtataksilan na si Mr. Palengke.

    TALAGANG LIKE MOTHER LIKE SON … PAREHONG TAKSIL
    NOYNOY ABNOY YOU ARE TRULY YOUR MOTHER’S SON… A TURNCOAT.

  9. gumawa lang ng istorya ang kampon ng mga Aquino na mga defective ang mga machines para pag natalo majustify nila ang sinabi ni Abnoy na mag eedsa pag hindi siya nanalo.ngayon dahil nanalo si abnoy, di walang gulo. kung natalo tiyak nagkagulo ngayon.

  10. CONGRATULATIONS DOON SA MAKA NOYNOY DITO. TINATANGGAP KO ANG AKING PAGKATALO. PERO HINDI NANALO SI MR. AQUINO DAHIL SA KANYANG KAKAYAHAN.

    ISANG HALALAN NA NAMAN AT HINDI NAKA-USAD SI JUAN DE LA CRUZ SA BALUARTE NG MGA ANGKAN (AQUINO, COJUANGCO. ARROYO, ARANETA, ROXAS, SUMULONG, LAPUZ, TEODORO, ESTRADA, GORDON, ATBP…) NA KOMOKONTROL SA PILIPINAS SA LOOB NG MAHABANG PANAHON. SABI NILA, “DIYAN LANG KAYO, HINDI KAYO BAGAY DITO”

    HINAHANGAAN KO SI VILLAR, VILLANUEVA, AT PERLAS, NA MGA “TAGA LABAS” SA MAGITING NA PAKIKIPAGLABAN SA MGA ANGKANG ITO PARA AGAWIN ANG PILIPINAS. HUWAG MAWAWALAN NG PAG-ASA.

    MAPAYAPA ANG ELECTION DAHIL NANALO SI MR. AQUINO. KUNG NATALO, TIYAK GULO SA EDSA ANG USAPAN NGAYON. MAGINOO KASI ANG MGA TALUNAN.

    DOON SA NAGSASABI NA KAKAIN AKO NG ALIKABOK NI MR. AQUINO, ITO LANG ANG MASASABI KO, “LAHAT TAYO AY KAKAIN NG ALIKABOK.”

    DOON SA NAGSASABI NA AKO SI LANE, HINDI AKO SI LANE, ATBP…IISA LANG SI GABBY.

  11. PRESIDENT NONOY AQUINO PANALO NA, RAH RAH RAH. YONG MGA KALABAN DITO LAMUNIN NA ANG ALIKABOK NI NOYNOY. HURAH, HURAH. VILLAR TAOB SA PUTIK. HE HE HE

Leave a Reply

Your email address will not be published.