Mahigit 200 Katao, Natangayan ng P25-M ng Asst. School Principal

TINATAYANG AABOT sa mahigit sa P25 milyon halaga ang natangay ng mag-asawang professional, sa may 200 katao na kanilang naging biktima sa maikling panahon lamang sa Guiguinto, Bulacan, Pampanga, Quezon City, at Baliuag,Bulacan na karamihan ay mga tituladong indibidwal.

Sa isinumiteng reklamo sa National Bureau of Investigation Bulacan, kinilala ang mag-asawang suspek na sina Milagros Ortega, nasa hustong gulang, assistant principal ng Marian College sa bayan ng Baliuag, at asawa nitong si Orlando Ortega, kawani naman ng North Luzon Expressway na nakatalaga sa Patrol Unit, kapwa residente ng Milflor Subd. Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan.

Ayon kay dating barangay chairman Ariel Portillo ng Brgy. Tiaong, Baliuag, na natangayan ng P1.2M, kilala niyang personal ang mag-asawang suspek kung saan kababata nito si Orlando, at mag-aaral ng Marian College ang isa niyang anak, kaya tiwala ito na totoo ang alok nilang negosyo ng pagpapautang.

Aniya, mahusay ang bokadura ng babae, dahil noong una ay maayos naman ang pamamalakad sa nabanggit na negosyo ng lending, kung saan kikita ang kanyang kapital share na 10% sa maikling panahon lamang. Nabatid na buwan ng Nobyembre nang huli siyang tumanggap ng interest ng kanyang in-invest na pera, subalit nang sumunod na buwan ng Disyembre, hindi na naulit ang pagbibigay ng interest sa kanyang ibinigay na pera. Sa huli, nag-isyu na lamang ng tseke ng PNB ang mag-asawa, sublit nadiskure na matagal na itong close account.

Ayon naman kay Rosalyn Contawe, ng Sitio Bakuod, Brgy. Sta Rita, Guiguinto na naengganyo rin na sumali  ng kanyang asawa sa lending ng itinuturing nilang kaibigan taong 2010 nang sila’y magsimula sa nabanggit na negosyo dahil sa laki ng interest ng kanilang P370,000, na kanilang inutang sa loan at galing sa pinagbentahan ng motorsiklo. Lahat ng ito aniya’y naglaho na parang bula, dahil buwan nitong Enero 2013, hindi na nagpakita pa ang mag-asawa. Sa halip, puro pa-ngako sa telepono ang kanilang natatanggap.

Problemado ngayon ang mag-asawa kung saan kukunin ang pambili ng gatas at pampaaral sa kanyang mga anak, at ang dating naka-motorsiklo niyang mister sa pagpasasok sa trabaho ngayon naka-de padyak na lang. Problema pa rin nila ang pang-upa ng bahay.

Bunsod nito’y duda naman ang mga biktima na posibleng  may kinalaman umano ang may-ari ng Marian College, na si Maria Fe Lara, at kapatid nitong alyas Mr. Viñaz na ngayo’y nasa Amerika.

(TONY DEL PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.