Mahigit 100 Residente, Umalma sa Masangsang na Amoy sa Planta ng Petrolyo

ISANG KUMPANYA ng petrolyo na nagsasagawa ng pagluluto para makakuha ng primera klaseng bunker oil ang inirereklamo ng 158 residente ng Bgy. Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan dahil sa umano’y maitim na usok at nakasusulasok na amoy.

Ayon kay Bgy. Chairman Valentino “Val” C. Delos Reyes, lubhang apektado na ang naturang mga residente at patuloy pa na nadaragdagan ang mga nagrereklamo dahil sa baho ng amoy na kanilang nalalanghap tuwing magluluto ng langis ang RMS Petroleum Technology & Waste Management Corporation na pag-aari ni Ronelo Saquian.

Sakit na ubo, paninikip ng dibdib at iba pang malubhang karamdaman ang nararanasan ng mga residente dahil sa matinding amoy na binubuga ng establisiyemento.

Base rin salaysay ng mga residente, isang tatlong taong gulang na batang babae ang dumaranas ngayon ng sakit na leukemia dahil sa amoy base na rin sa mga doctor na sumuri rito.

Agad na nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang kapitan ng barangay kasama ang kanyang mga konsehales at napatunayang mismo sa kanilang mga sarili ang umaalingasaw na amoy mula sa lutuan ng banker oil ng pabrika.

Dagling ipinagbigay-alam ni Delos Reyes ang hinaing ng kanyang nasasakupan sa mga kinauukulan na ahensiya at sa pamahalaang bayan ng Marilao.

Isang biglaang pagsisiyasat sa nabangit na pabrika ang itinakda ng mga opisyales ng barangay, mga tauhan munisipyo ngunit hindi sila pinayagang makapag-inspect at makapasok sa loob ng factory ng petrolyo.

Hindi rin umano tumugon ang may-ari ng establisimiyento sa mga patawag at panyaya ng Sanguniang Barangay.

“Hindi naman namin nais na ipasara ang nabanggit na establisyemento. Ang gusto lang namin ay maiayos at maitama ang pagpapalakad nito at iwasan na ang pagpapalabas ng masangsang na amoy,” ani Kapitan Delos Reyes.

Ayon naman sa ang may-ari ng nirereklamong establisyimento, nagpahiwatig ito ng pakikipagtulu-ngan sa barangay at sa mga nagrereklamong residente.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.