Mahigit 1 linggong stranded 8 mangingisda, nakauwi na; 1 pa, nawawala

MATAPOS ANG MAHIGIT isang linggong pagka-stranded sa Fuga Island, tuluyan nang nakauwi ang walong mangingisda sa Aparri.

Bumaba ang alon sa karagatan kahapon kung kaya’t nakapaglayag ang mga magkakamag-anak na mangingisda gamit ang kanilang sariling fishing boat pauwi sa kani-kanilang mga bahay sa Brgy. Macanaya, ayon kay Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Coast Guard Aparri.

Napadpad sa isla ang mga mangingisdang sina Mark Cacayuran, Bernardo Tricenio, Ariel Cacayuran, Edgar Siraon, Fidel Carrera, Jun Carrera, Naming Abad, at Julian Nagtaran matapos pumalaot noong Nobyembre 20 dahil sa matataas na alon bunsod ng hindi magandang lagay ng panahon.

Kaugnay nito, isinisi ni Renon sa katigasan ng ulo na dala na rin ng kahirapan sa buhay kung kaya’t marami pa rin sa mga mangingisda ang pumapalaot sa kabila ng ipinapalabas na babala ng Philippine Coast Guard.

Kamakailan, nailigtas na ng search and rescue team ng Coast Guard ang apat sa limang mangingisda mula sa bayan ng Sta. Ana dahil pinilit pa rin ng mga itong pumalaot kahit hindi maganda ang kundisyon sa karagatan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang isang mangingisda na nakilala sa pangalang Alejandro Pascual mula sa Brgy. Palauig, Sta. Ana.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.