Mahalin din ang anak nila ni Jennylyn Mercado Patrick Garcia, nakikiusap kay Luis Manzano

LAGING NAGPAPAKATOTOO si Patrick Garcia, na sa tuwing magkakaroon ng bagong karelasyon si Jennylyn Mercado, katulad noon ni Dennis Trillo at ngayon naman ay kay Luis Manzano, hindi talaga niya nakakalimutang ipakiusap na sana’y kung mahal nila si Jen bilang karelasyon, mahalin at ituring din nilang parang tunay na anak si Alex Jazz. Daddy ni AJ si Patrick, kaya ganu’n lagi ang kanyang kahilingan.

Sobra kasing mapagmahal sa mga bata ang pamilya nina Patrick. Mahal na mahal niya si Alex Jazz, dahil nagtagal din bago nangyari ang pagtatagpo nilang mag-ama pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Jennylyn bilang magkarelasyon. Alam ni Patrick na bilang ina ni AJ, mahal na mahal ni Jen ang kanilang anak. Pero ayaw niyang mangyari na makatagpo si Jen ng lalaking siya lang ang mamahalin, at mae-etsa-puwera ang kanilang anak.

Natutuwa naman si Patrick, dahil nu’ng si Dennis ang ka-relasyon ni Jennylyn, walang naging problema, dahil mabait si Dennis kay Alex Jazz. Ngayon namang si Luis ang karelasyon ni Jen, hindi rin kinakabahan si Patrick, dahil mabait at mahilig din sa mga bata ang lahi ni Luis. Hindi rin naman kasi papayag si Jen na kung makikipagrelasyon siya, maaapi ang kanyang anak.

 

SOBRANG BUSY si Kris Aquino sa kanyang movie career at hindi niya talaga hawak ang kanyang oras dahil sa dami ng kanyang ina-asikaso. Bukod pa sa nanggaling siya sa sikat na pamilya. Anak siya ng sikat na da-ting senador at dating pangulo ng Pilipinas, habang ngayon naman ay kapatid niya ang nakaupong pangulo ng bansa, si P-Noy. Kaya ang pakiramdam ni Tetay, baka nagkukulang pa rin siya ng oras sa kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James.

Sa pagpasok ng bagong taon, ang pangarap na gustong ipagpatuloy ni Kris ay ang mapalaki nang maayos sina Joshua at Bimby, dahil gusto raw niyang maging mabuting ina. Madalas, napakaarte lang talaga ni Kris, kaya marami ang naaasar sa kanya. Pero sa totoo lang, bilang ina ng kanyang mga anak, marami ang sumasaludo sa kanya. Kasi nga, kahit sobra siyang abala, hindi nawawala sa kanyang isip, salita at sa gawa ang pagmamahal sa kanyang mga anak.

Parehong nakahiwalayan ni Kris ang mga tatay nina Joshua at Bimby. Hindi nanunumbat si Kris, pero maraming pagkakataon na kinakaya niya talagang maitaguyod ang pagpapalaki sa kanyang mga anak. Napakagandang pagmasdan ng tanawin, kapag sa taping ng mga programa ni Kris ay isinasama niya sa studio sina Joshua at Bimby, dahil naroon ang mga kilos ni Tetay na wala siyang pakialam at nanay na nanay siya sa kanyang mga anak, pero mommy na sosyal talaga ang dating.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Mahalin din ang anak nila ni Jennylyn Mercado Patrick Garcia, nakikiusap kay Luis Manzano

  1. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

  2. patrick doesn’t need to worry about luis. He is such a decent and nice guy. And besides its patrick himself who said He knows Luis and alam niya mamahalin din ni Luis ang anak nila ni Jennylyn. Luis comes from a loving family and grew up in a loving enviroment.

Leave a Reply

Your email address will not be published.