Mahal, gustong pabuntis kay Dennis Trillo!

IBANG KLASENG kilig ang hatid everytime na mababanggit ang pangalan ni Dennis Trillo kay Mahal na umamin na among male stars sa bansa ay si Dennis ang nangunguna sa listahan nito na type na type niya.

Tsika nga ni Mahal na iba raw kasi ang dating ni Dennis na lalaking-lalaki at mukhang masarap sa kama.

“Si Dennis ang crush ko, kasi ang guwapo-guwapo niya, lalaking-lalaki at masarap makasama sa kama. Alam mo na… hahaha! ” natatawang pahayag ni Mahal.

Kaya naman kung pabubuntis siya ay si Dennis daw ang gusto niyang makabuntis sa kanya at maging ama ng kanyang mga anak.

“If magkakaroon ng chance na makasama ko si Dennis sa kama, alam n’yo na kung ano mangyayari. Hahaha! Gagawin ko lahat , gagalingan ko talaga, magisimula ako sa noo pababa. Alam mo na… hahaha! Tapos ‘yun na,” pabiro pero mukhang seryosong pahayag ni Mahal.

“Kung magkaka-baby ako, gustung-gusto ko talagang si Dennis ang magiging Daddy, kasi type na type ko siya.”

Aware daw si Dennis na crush siya ni Mahal na nang minsan daw silang magkita ay kinarga siya nito at hinalikan sa pisngi.

“Mabait siya, nagkita na kami, kinarga niya ako at hinalikan sa pisngi, kaya kinilig ako. Kaya ngayon, siya lang talaga ang crush ko. ”

Alam daw ni Mahal na medyo mahirap at pangarap lang ang kanyang gustong mangyaring maging ama ng kanyang mga anak si Dennis. Pero dagdag pa nga nito, wala namang masamang mangarap dahil libre lang ito. Malay naman daw natin at biglang ang katulad daw niya ang maging type ni Dennis, lalo na’t single na uli ito at hiwalay na kay Bianca King. ‘Yun na!

 

JAMPACKED AT SRO ang resulta ng katatapos na back to back concert ni DJ Joph at ng UPGRADE na ginanap last Dec. 9 sa Music Box entiteld 6 Stars of Christmas, kasama ang Tween star na si Hiro Magalona, XLR8 member na si Arkin Del Rosario, beauty queen/singer Gina Damaso at walang Tulugan mainstay na si Joven Moreno, sa dami ng taong pumunta at nanood.

Ilan sa mga nanood ng gabing iyon ang tatay-tatayan sa industriya ng karamihang artista na si Kuya Germs kasama ang pamangkin nito at host na si John Nite at ang sikat na makeup at hairstylist na si Rene ng PEP Salon. Dumating din at nanood ang may-ari ng F & S Tailors na si Mr. Jhun at Jovan Dela Cruz.

Kaya naman kahit ang bosing ng Music Box na si Sir Wowie ay tuwang-tuwa sa dami ng taong dumating at nagpahayag siyang nag-enjoy siya nang husto sa concert ng mga bagets at nag-o-offer na everytime na gustong mag-concert doon ng UPGRADE at si DJ Joph, welcome na welcome sa Music Box.

At sa magandang resulta ng 6 Stars of Christmas ay nagpaplano na ang MHU Productions na siyang nag-produce ng nasabing konsiyerto na magkaroon ng another concert sa January 2013 kasama ang UPGRADE, sina DJ Joph, Gina Damaso, atbp.

 

HOW TRUE na sobrang sweet sa set ng Cielo De Angelina ang dalawa sa casts nito na sina Hiro Magalona at Ashley. Tsika nga ng aming source na may mga insidenteng ang dalawa lang ang magkasama at nag-uusap, nagkukulitan at nagtatawanan.

Aminado naman daw ang guwapitong young actor na type nito si Ashley, dahil bukod sa maganda ay sobrang bait pa. Kaya naman daw ‘di malabong magka-crush dito ang iba pang young actors ng GMA 7.

Pero umamin naman si Hiro na walang ligawang nagaganap, dahil mas naka-focus siya sa kanyang career, kung saan very thankful ito sa magandang break na ibinigay sa kanya sa Cielo De Angelina kung saan ka-love triangle siya rito ng tambalang Jake Vargas at Bea Binene.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “Mahal, gustong pabuntis kay Dennis Trillo!

  1. Hahaha!Di na naglevel-up reporting ng guraming writer na to! Pangstarlet ang peg mo teh!Halatang bayaran ang patay gutom na baklang pangeeeeet!

  2. Starlets na naman ang pinagaksayahan ng column space ng tabloid reporter na ito. Sabagay sandamakmak na starlets kasi nasa Syete at ginagawa lang ang trabho nitong paid publicist ng Syete.

Leave a Reply

Your email address will not be published.