Mahabang Brownout, Simula na sa Luzon

MAKARARANAS NG malawakang power interruption ang malaking bahagi ng hilagang Luzon hanggang Sabado.

Base sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kahapon, araw ng Huwebes ipinatupad ang 16 hour power interruption sa ilang bahagi ng Pampanga at Bataan.

Nagsimula ang brownout kahapon ng alas-7:00 ng umaga at tumagal hanggang alas-6:00 ng gabi.

Idinahilan sa power interruption ang reconfiguration sa Hermosa-Guagua at Hermosa-Dinalupihan 69 KB transmission lines.

Makakaranas din ng brownout ang bahagi ng Isabela province ngayong araw.

Magsisimula ito ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Kasamang maaapektuhan sa power failure ang bahagi ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO-I).

Dahilan ng power interuption ay para ayusin ang equipment sa Santiago substation.

Samantala, ganap naman na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon mawawalan ng kur-yente sa Ilocos Norte, kung saan apektado ang bahagi ng Ilocos Norte Electric Cooperative Incorporated.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.