Magulang ng mga Batang Nag-iinuman sa Video, Posibleng Kasuhan

KASALUKUYANG KUMAKALAT sa mga social networking site ang video ng mga batang nag-iinuman ng alak.

Sa isang tingin, tila inosenteng laro lang ang ginagawa ng mga batang tinatayang nasa anim hanggang 12-anyos ngunit nang inilabas na ang bote ng vodka ay pang-matandang inuman na pala ang nangyayari.

Makikita rin sa nasabing  video ang isang shot glass na pinaiikot at tinatagayan pa ng bawat bata habang nagkakasiyahan sa panonood ang mga matatanda.

Dahil dito, naalarma ang National Youth Commission (NYC) at pinag-aaralang kasuhan ang mga magulang ng mga ito ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Pinaghahanap na ng NYC ang mga bata at magulang na nasa  naturang video.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Magulang ng mga Batang Nag-iinuman sa Video, Posibleng Kasuhan

  1. Pingback: Magulang ng mga Batang Nag-iinuman sa Video, Posibleng Kasuhan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.