Magtsi-Tsinelas, Binoga, Tigok

 

TIGOK ANG tindero ng tsinelas na opisyal ng samahan matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay nagliligpit ng mga paninda sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Jonathan Abadies, 49, ng LUPHA, Tonsuya ng lungsod.

Base sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nagliligpit ng mga paninda ang biktima habang kausap si Risteta Marta sa Dagat-Dagatan Avenue, Longos ng lungsod nang lapitan ng mga suspek.

Itinulak ng isa sa mga suspek si Marta habang isa ang pumutok sa biktima bago nagsitakas.

Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa pagiging board member ng biktima ng samahan sa kanilang lugar ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.