Magtiyuhin, Inutas ng Tandem

MAGKASUNOD NA napatay ang barangay chairman at pamangkin nitong lalaki matapos na pagbabarilin ng mga armadong suspek sa bahagi ng Barangay Mahayahay sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur kamakailan.

Kinilala ang magtiyuhing nasawi na sina Barangay Chairman Alejandro Alijay at Samuel Gimena.

Lumalabas sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang magtiyuhin nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem assassins pagsapit sa bahagi ng Purok 3 sa nasabing barangay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.