Magtiya, Inatake ng 2 Senglot

SWAK SA kulungan ang dalawang lasing na lalaki matapos pasukin, saktan at magwala sa bahay ng magtiya sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong physical injury si Richard Pareño, 31 habang trespass to dwelling naman ang ikinaso kay Adolfo Fajardo, 31 pawang ng Malaya St., Balut, Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-4:40 ng madaling-araw nang pasukin ng mga lasing na suspek ang magtiya na sina Emma Flores, 51; at Mark Christianne Flores, 31 sa Buwan-Buwan St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sinaktan ng mga suspek ang mga biktima bago sinabihan si Emma na kunsintidor at pinagbantaang papatayin ni Pareño.

Bago nagsilabas ng bahay ang mga suspek ay pinagbabasag ni Pareño ang mga pinggan at bentilador ng mag-tiya.

Matapos magpagamot ang mga biktima ay hu-mingi ng tulong sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.