Magsyotang Estudyante, Huli sa Pagpapalaglag

ARESTADO ANG apat na kataong sangkot sa kasong aborsiyon sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Nadakip ang manghihilot na sina Leticia Ibara, 70; at Carmen Krusado, 76, ng Brgy. Taggat, Claveria; at ang magkasintahang estudyante na sina Christian Agbayani, 19 ng Brgy. Luzon, Claveria at Charmaign Jane Ilacas, 18, ng Peñaweste, Gattaran. Magkatulong sa paghuli sa kanila ang PNP at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Claveria.

Huli sa aktong inilaglag ang dalawang buwang ipinagbubuntis ng babae kung saan naabutan pa ang fetus na inilalabas ng manghihilot, ayon na rin ito kay C/Insp. Alex Delos Santos, hepe ng PNP Claveria.

Nakuha mula sa operasyon ang mga guwantes, gunting at halamang gamot na ginamit sa pampalaglag. Sinampahan ng kasong Intentional Abortion ang magkasintahang estudyante at manghihilot. (PARAZZI REPROTORIAL)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.