Magsikentot kayo!; at ang P2-B loan ng Pasay

DAHIL TAPAT SA kani-kanilang amo, ilang kilalang personalidad ang nagbigay ng malalagim na pangako noong nakaraang linggo.

Kaugnay ito sa mga isyung kinasasangkutan ng Palasyo, DoJ Sec. Leila de Lima, Korte Suprema at ng mga Arroyo.

Naunang pinigilan ni De Lima ang pag-alis ng bansa ng mag-asawang Arroyo sa kabila ng TRO na ipinalabas ng Korte Suprema.

Dahil sa lantarang hindi pagsunod ni De Lima sa batas ay super-galit si Sen. Miriam Defensor Santiago. Ayon sa senadora, muntik na siyang maglaslas ng pulso!

Nanaykupow! Magpapakamatay ang lola dahil lang sa isyu ng TRO. SAYANG RAW!

Sayang ka po madam, hak, hak, hak!

 

ANG ABOGADO NAMAN ng mga Arroyo na si Atty. Raul Lambino ay nangako na handa siyang MAGBUWIS ng buhay para sa karapatan ng mga Arroyo… Naks ha!

GO, GO, GO RAW!

Pero kung masyadong malaki ang halaga niyang buwis este buhay mo… ipakaltas mo na rin d’yan pati ang hindi nabayarang buwis nina Mikey! He, he, he.

 

TINIYAK NAMAN NG tagapagsalita ni GMA na si Elena Bautista-Horn at ng Arroyo lawyer na si Atty Ferdinand Topacio na babalik ng bansa ang mag-asawang Arroyo sakaling mapayagang lumabas ng bansa ang mga ito.

Sakaling hindi bumalik ng bansa ang mga Arroyo, handa raw si Elena Horn na magpakulong kasama ang kanyang kambal na anak… wow ha!

KULANG RAW!

Dapat madam ay isama pati mister mo para masundan agad ang kambal! Bwar, har, har!

 

SI ATTY. TOPACIO naman ay handa raw magpatanggal ng yagbols… susmaryosep!

SWITIK RAW!

Kasi nga alam na alam ni Atorni na kahit isa na lang ang yagbols n’ya ay tigasin pa rin! Hek, hek, hek!

 

PANINIGURO NAMAN NI Rep. Neptali Gonzales III na hindi mai-impeach si P-Noy.

Kapag nangyari raw ito ay handa siyang magpaputol ng ulo! Diyos na mahabagin!

OKS NA OKS DAW!

Bagama’t hindi tinuran kung aling ulo ang ipapuputol, no probs lang ayon sa kanyang mga kritiko.

Tutal naman daw parehong hindi na ginagamit ni Cong.! Huhuhu!

 

ANO BA ‘YAN! Maghunos-dili nga kayo! Bago ninyo gawin ang mga bagay na ‘yan ay “mag-second thought” muna kayo!

Ayon nga sa ating kaibigang Intsik eh, “magsikentot” muna kayo! Hoy!

Ang gulo-gulo ninyo… Hmp!

 

NAGANAP NA! SA loob ng opisina ni Pasay City Mayor Antonio Calixto ay naganap ang sabwatan ng mga lingkod-bayan laban sa kapakanan ng taumbayan!

‘Yan, parekoy, ang inginakngak ng isang empleyada ng city hall na ayon sa kanya ay hindi niya masikmurang titigan ang mga ngiti ni Hudas na namutawi sa mukha nina Calixto at Vice Mayor Marlon Pesebre!

Ang tinutukoy ng ating “tawiwit” ay ang kasulatan bilang pag-apruba nina Calixto at Pesebre at ng kanilang mga alipores, sa dalawang bilyong piso na nakatakdang utangin sa isang pribadong bangko ni Lucio Tan na PNB.

Ayon sa mga hinayupak na pulitiko, kailangan daw gawin ang pangungutang para sa bayan!

Ano? Ang sabihin ninyo ay para sa bayan ang pagbayad, pero ang limpak-limpak na kikitain mula sa loan na ito ay para sa inyo!

Bakit ‘kan’yo, parekoy? Aba eh, sa bangko pa lamang, ayon sa ating tawiwit ay pinangakuan na sina Hudas ng 100 milyong piso basta mailarga lang ang loan!

At kung babatayan ang kalakarang porsiyento sa pagpapagawa ng mga proyekto na kalimitan ay 20% ang ibinibigay ng mga contractor ay tumataginting na 400 mil-yong piso ang paghahatian ng mga ganid na pulitiko!

Diyoskopow! Iligtas mo naman ang mga taga-Pasay mula sa kuko ng mga buwitre!

P’we!!!

 

Ayuda sa OFW

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.