Magsasaka,Patay sa Boga

PATAY ANG isang magsasaka matapos ratratin sa sariling tahanan nito sa Brgy Sto. Tomas, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa pagsisiyasat, pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng biktima na si Rodrigo Ferrer at saka pinagbabaril.

Napag-alaman na may nagtangka na rin sa buhay ni Ferrer noong 2003 dahil sa awayan ng lupa pero giit naman ng anak nitong si Regina Ferrer na walang kaaway ang kanyang ama.

Samantala, natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo, dalawang slug at isang live ammunition ng kalibre .45 na baril, habang hinahanap pa ang mga tumakas na salarin at inaalam ang motibo nito sa ginawang pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.