Magsasaka, todas sa love triangle

RIZAL—HINIHINALANG ISA na namang kaso ng “love triangle” ang dahilan kung bakit pinaslang ng tatlong lalake ang isang binatang magsasaka kamakalawa ng umaga sa bayan ng Jala-Jala.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, ang biktima ay kinilalang si Jayson Rivera, 20 anyos, residente ng #99 Sitio Naglabas, Brgy. Pagkalinawan ng nasabing bayan.

Arestado naman ang mga suspek na sina Rodrigo Magpantay, 39 anyos,isang OFW; Melbert De Castro,23 anyos, karpintero; at Ildefonso Larazo,28 anyos, karpintero pawang residente ng Sitio Upper Mapacla, Brgy. Special District ng nasabi pa ring bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga sa bukirin malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na naglalakad ang biktima papauwi ng salubungin ng mga suspek at pinagtulungang gulpihin kung saan ay halos umihi na sa salawal at umiiyak dahil sa inabot na hirap.

Sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima sa mga suspek, hindi ito tinigilan at bago nagsialis ay tinarakan pa sa kaliwang dibdib ng 12 inches na patalim saka tumakas sakay ng motorsiklo (ZR-3394).

Ayon sa pulisya, matindi ang galit ng mga suspek dahil sa bukod sa pahirap ay sinaksak pa ang biktima para masigurong patay ito bago iniwan.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.