Magsasaka, tinaniman ng bala

PINAGBABARIL HANGGANG SA mapatay ang isang magsasaka ng hindi pa nakikilalang “hired killer”, habang ang biktima ay naglalakad sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Unang isinugod sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Ernesto Toledo, alyas “Nonoy”, 45, ng Anahaw St., Brgy. 179 ng nasabing lungsod, pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat ni SPO1 Joseph Delgado, bandang alas 11:45 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Anahaw St. nang biglang sumulpot ang suspek.

Pinagbabaril kaagad ng salarin si Toledo at saka tumakas sakay ng motorsiklong walang plate number.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng cal. 45.

Sa follow-up operation nina P/Senior Inspector Leomilo Antonio Padulaga, chief ng Station Investigation and Detective Management Station ng North Caloocan Police, benggansa ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa biktima.

Nabatid na noong March 2011, isang miyembro ng carnapping syndicate ang ipinahuli ni Toledo at posibleng gumanti ang mga kasamahan nito at ipinapatay ang biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Magsasaka, tinaniman ng bala

  1. I do not know if it’s just me or if everyone else encountering problems with your website. It looks like some of the written text in your content are running off the screen. Can somebody else please comment and let me know if this is happening to them as well? This might be a issue with my web browser because I’ve had this happen before.
    Thanks

    Feel free to visit my web blog Voice lesson Online

Leave a Reply

Your email address will not be published.