Magsasaka, Tinagpas ang Ulo ng Bayaw sa Palayan

PINANINIWALAANG ALITAN sa lupang sinasaka ang isa sa motibo kaya pinagtataga bago pinugutan ang  isang magsasaska ng kanyang bayaw sa Barangay Nalasin, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakailan.

Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Solsona PNP, ang biktima na si Wilborne Laguste habang sumuko naman ang  salarin na si Rolante Toribio.

Base sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nagkrus ang landas ng magbayaw nang nagkasalubong sila sa gitna ng palayan patungo sa kani-kanilang sakahan.

Dito na inunahan ng salarin na pagtatagain ang biktima kung saan hindi pa nasiyahan at tinagpas pa ang ulo.

Samantala, agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek para isuko ang sarili.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.