Magsasaka, tigok sa kuyog ng mga bubuyog

PATAY ANG ISANG magsasaka matapos atakihin ng mga bubuyog, sa Gingoog City, sa Misamis Oriental.

Nabangga ni Jimmy Almazon, 48 anyos, ang pukyutan habang nag-aani ito ng kopra kaya nabulabog ang mga bubuyog. Tinadtad ng kagat ng mga naturang insekto ang magsasaka mula ulo hanggang paa.

Isinugod si Almazon sa Gingoog Hospital at inilipat sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan De Oro subalit hindi na ito naisalba ng mga doktor.                         (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.