Magsasaka, sinuwag ng kalabaw, tigok

WALA NANG buhay nang matagpuan ang isang magsasaka matapos suwagin ng alagang kalabaw sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang nasabing biktima na si Arturo Ceroriales, 57, residente ng Barangay Tinandog sa nabanggit na bayan.

Base sa pagsisiyasat, lumalabas na nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na pinaniniwalaang kagagawan ng alaga nitong kalabaw.

Sinabi ng anak ng biktima na si Ronaldo na nagtungo lamang ang kanyang ama sa pag-aari nilang sakahan kasama ang alaga nitong kalabaw na ayon rito ay talagang mabangis.

Samantala, narekober din sa lugar ng pinangyarihan kung saan nakita ang maraming foot prints ng kalabaw ang isang itak, duguang damit ng biktima at relo.

Sa ngayon, nakalagak sa Pagbilao Funeral Parlor ang labi ng biktima na nakatakdang isailalim sa post mortem examination.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.