Magsasaka, Pinugutan ng Ulo

NATAGPUANG PATAY at hiwalay na ang ulo sa katawan ng isang 55-anyos na magsasaka sa damuhang bahagi ng Barangay Gil Sanches, Labason, Zamboanga del Norte.

Kinilala ng Gutalac muni-cipal police station ang biktima na si Geremias Pasaforte Quizon, residente ng Barangay La Libertad, Gutalac ng naturang lalawigan.

Naaresto naman ang tatlong lalaking itinuturong salarin sa pamumugot ng ulo sa biktima na sina Estellano Aclon Dalman, 48; Roland Edullantes Amante, 26, at si Saryl Edullantes Amante, 26, mga residente ng bayan ng Gutalac.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad, nabatid na pasado alas-5:00 ng hapon nang pauwi na sana ang tatlong suspek matapos mag-inuman ng tuba sa isang tindahan sa lugar.

Pagdating sa highway ng Barangay Loay, bigla u-manong lumitaw ang biktima na armado ng isang mahabang itak at tinangkang tagain ang mga salarin.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga suspek na agawin ang itak ng biktima at ito mismo ang ginamit sa pumumugot sa ulo nito.

Samantala, naputol din ang isang tainga ng biktima sa pananaga ng mga suspek.

Sa ngayon, nakakulong na sa detention cell ng Gutalac municipal police station ng tatlong salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.