Magsasaka, Pinalakol sa Leeg

NAHAHARAP SA kasong murder ang isang 35-anyos na binata matapos na palakulin ang kanyang pinagtatrabahuan na employer sa bayan ng Canaman, Camarines Sur.

Sinabi ni PO3 Ernesto Medroso ang investigation on case na napatay ng salarin ang biktima na si Leonardo Acero y Javier, 53, isang magsasaka ng naturang barangay.

Kinilala naman ang sa-larin na si Armin De Belen ng Zone 5, Barangay Tibgao ng nabanggit na bayan.

Ayon sa salaysay ng imbestigador, alas-9:20 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang harangin ng salarin gamit ang kawayan.

Makalipas nito, walang anu-anong pinalakol ito ng suspek sa kanyang leeg na siyang naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, agad naman umanong sumuko ang salarin na sinasabing nakita pa ng ilang residente na naghuhugas ng kanyang palakol sa gilid ng kanal.

Base naman sa pagsisiyasat, matagal nang hindi pagkakaintindihan ang naging motibo sa pamamaslang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.