Magsasaka, Patay sa Suwag ng Kalabaw

NAGBABALA ANG Provincial Veterinary Office sa Ilocos Norte sa mga magsasaka na huwag sasaktan ang kanilang alagang baka o kalabaw upang maiwasan ang pananakit din sa kanila ng alagang hayop.

Ginawa ng tanggapan ang naturang pahayag matapos na isa na namang magsasaka sa Paoay, Ilocos Norte ang nasawi matapos suwagin ng kanyang alagang kalabaw.

Nakilala ang nasabing biktima na si Ronaldo Abuy, residente ng Barangay 8, bayan ng Paoay.

Lumalabas sa pagsisiyasat, sinuwag ng alagang kalabaw ni Abuy ang kanyang tiyan dahilan ng pagtamo nito ng internal hemorrhage at naapektuhan pa ang kanyang atay kaya tuluyang namatay habang ginagamot sa pagamutan.

Sinabi ni Provincial Veterinarian, Dr. Loida Valenzuela na hindi mananakit ang alagang hayop kung hindi rin sila sinasaktan.

Samantala, pinaalalahanan pa ni Valenzuela ang mga magsasaka na iwasang hawakan ang sungay ng alagang baka o kalabaw upang maiwasan ang disgrasya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.