Magsasaka, Patay sa De-Sabog ng Konsehal

PATAY ANG isang 37 anyos na magsasaka matapos itong barilin ng de-sabog ng kainuman nitong konsehal ng Brgy. Karikkikan Norte, Ilagan City, Isabela kamakailan.

Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Roberto Jimenez, samantalang ang salarinay si Kagawad Ernie Ramos na pawang taga-Brgy. Siffu.

Base sa pagsisiyasat, nagyaya ng inuman ang naturang konsehal sa kanyang farm sa Karikkikan Norte at sa sobrang lango sa alak ay inilabas nito ang kanyang baril na de-sabog at nagpaputok sa ere.

Tinangkang agawin ng biktima ang baril at pinagsabihan ang pasaway na kagawad.

Bunga nito ay lalong nagalit ang salarin na napagbuntunang ratratin ang biktima ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad ikinasawi nito.

Sa ngayon, pinagha-hanap na ng mga kinauukulan ang tumakas na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.