Magsasaka, Naospital sa Natapilok na Kabayo

ISINUGOD SA General Santos City Hospital ang isang magsasaka matapos itong madaganan ng kabayo pasado alas-3 ng madaling-araw kamakailan sa bahagi ng Polomolok, South Cotabato.                                                                                                                                    Kinilala ng Civil Security Unit on duty ng District Hospital na si Val Galagaran ang magsasaka na si Ariel Diamante, 25, na taga Barangay Landan, Polomolok.

Ayon kay Galagaran, nagreklamo ng matin-ding pananakit ang biktima nang ito’y binuhat papasok ng ospital.

Dagdag nito, sakay ng kabayo si Diamante sa paakyat na daan nang matapilok ang kabayo at natumba sanhi para ito ay ma-daganan.

Iniinda ng nasabing biktima ang kaliwang bahagi ng katawan nito na hindi nito magalaw dahil sa tindi ng sakit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.