Magsasaka, Inararo ng Bus, Patay

LABIS ANG pagdadalamhati ng pamilya ng 43-anyos na magsasaka matapos na araruhin ng isang pampasaherong bus sa Sorsogon.

Matinding tama sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima na kinilalang si Reynaldo Orbina Y Cantillas ng Barangay Salvacion, Irosin mula sa pagkakabangga ng Gold Transit tour bus na minamaneho ng driver na si Noli Geroy Y Gaspi, 43, tubong-Eastern Samar.

Sa pagsisiyasat ng Irosin Municipal Police station, lumalabas na habang binabaybay ng nasabing bus ang daan patungong Sorsogon City, nagkataong tumatawid ang nasabing biktima, kung saan hindi sana ito mahahagip ng driver subalit sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang umatras ang biktima at bumalik sa kanyang pinanggalingan.

Dahil dito, hindi na nagawang magpreno pa ng driver ng bus.

Agad na tumilapon ang biktima sa daan matapos ang malakas na impact nito mula sa pagkakabangga.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima habang agad namang sumuko ang nasabing driver ng bus.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.